[Dahyun's Pov]
Habang nakasakay sa elevator, may mga nakasabay kaming dalawang estudyante na galing sa ibang section.
"Diba siya yung natutulog dito sa loob ng elevator kaninang umaga?"
"Oo. Siya nga 'yon. Kasama niya yung classmate niyang si Tzuyu." Biglang napalingon sakin si Sana.
"Eh diba nachichismis 'yan na may relasyon sa kasama niya ngayon na si Sana?"
"Oo, Sis. Baka break na sila."
"Grabe naman. Kay Tzuyu naman pala siya ngayon." Pinagsasabi ng dalawang 'to?
Kingina ng mga estudyanteng 'to. Kung magchismisan, parang hindi namin naririnig ni Sana.
Nang magbukas ang elevator, hinila na ako ni Sana sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko dahilan para mapalingon samin ang dalawang nagchichismisang estudyante sa loob ng elevator.
"Ay. Sis, hindi pa ata sila break." Rinig namin bago tuluyang magsara ang pinto ng elevator.
"Bilisan mo, Dahyun."
"Psshh. Sana, huwag mo kong tawagin sa tunay na pangalan ko." Bilin ko sa kanya dahil mahirap nang mabuko nang mas maraming tao.
"Whatever. May kailangan tayong pag-usapan kaya bilisan mo na diyan."
"Eto na nga. Kung makamadali ka naman diyan eh." Reklamo ko sa kanya na nagmamadaling pumasok ng kwarto kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
"Aish. Sabi ko kay Mina, huwag siyang aalis dito eh."
"Nandito si Mina?"
"Kanina."
Buti na lang wala na siya dito. Malalagot ako nang sobra kapag nalaman 'to ni Mina.
"Tatanungin kita ha. Gusto ko purong katotohanan lang ang isasagot mo sakin." Panimula niya sakin.
"Hay nako. Matutulog na muna ako." Palusot ko sa pamamagitan ng paghiga sa kama ko para makaiwas sa mga tanong niya.
"Bumangon ka diyan kundi isusumbong kita ngayon." Agad akong bumangon sa kinahihigaan ko dahil wala akong choice.
"Ano na naman ba kasing itatanong mo?"
"Bakit ka nandito?"
"Bawal ba?"
"Huwag mong sagutin ng tanong ang tanong ko. Bakit nga?"
"Trip ko lang."
"Ganon? Okay. Eh di trip ko lang din ang idadahilan ko sayo kapag isinumbong na kita ngayon."
"Eto naman. Hindi na mabiro. Bawal ba na nandito ako?"
"Asus. Alam kong alam mo naman na school 'to para sa mga babae. Anong ginagawa ng isang lalaki dito na nagpapanggap bilang babae?" Nakapamewang na tanong niya.
"Hindi ba pwedeng gusto ko lang ma-experience kung paano ang pamamalakad sa school na 'to?"
"Hindi ako naniniwala na 'yun talaga ang dahilan. Siguro nandito ka para mangharass ng mga babae noh. Siguro nandito ka para humanap ng bagong babae na lolokohin mo."
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Hayran Kurgu[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022
![Yours [SaiDa Fanfic]](https://img.wattpad.com/cover/243409578-64-k26511.jpg)