[Chaeyoung's Pov]
Himbing na himbing pa ang tulog ko nang mabulabog ako dahil sa pagsend ng kung sino nang text message.
Napakunot-noo ako nang malamang si Dahyun pala ang bumulabog sa tulog ko. Ano na naman kayang trip nito nang ganitong oras?
Ayos lang sana kung tungkol kay Mina kaso mukhang iba ang inuuna ng hayp na 'yon.
Sa pagbasa ko ng text message niya, halos manlaki ang mata ko. Si Mina?
"Bro, busy ako ngayong araw. Si Mina. Papunta na siya ngayon sa bahay ng parents niya para makipagbonding sa kanila. Nabanggit din niya sakin na baka maisipan niyang gumala para kumain sa labas nang mag-isa."
Gagi. Pagkakataon ko na 'to para makausap si Mina. Sa wakas, nagbalita rin si Dahyun sakin nang tungkol kay Mina.
"Sa wakas, ginawa mo rin nang tama ang misyon mo. Ano namang kinabi-busy-han mo ngayong araw?" Mabilis na reply ko sa kanya.
"Basta. Saka ko na lang ikukwento. Goodluck, Bro. Pagkakataon mo na 'yan para makapag-reach out kay Mina." Agad na reply niya kaya dali-dali na akong bumangon sa kama.
Ano naman kayang pinagkakaabalahan ni Dahyun ngayong araw? Sa katunayan, dapat samahan niya akong puntahan si Mina eh. Mukhang may gala ang mokong na 'yon.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Dali-dali na akong nag-ayos ng sarili. Kailangang mabangong-mabango at gwapong-gwapo ako kapag nakaharap ko na si Mina ulit.
Matapos kong mag-ayos, sumakay na ako ng kotse upang bumili ng bulaklak at chocolate para sa kanya.
Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako habang papalapit na sa bahay ng magulang niya.
Nang marating ko ang bahay nila, nagdesisyon muna akong magmasid sa hindi kalayuan. Nasa loob na kaya si Mina o papunta pa lang siya?
Gusto ko sanang magdoorbell kaso baka ipahagad lang ako ng pamilya niya sa mga aso nila. Doorbell now, buto-buto later.
Lumipas ang ilang oras ng paghihintay ko, namataan kong nagbukas ang malaking gate nila. Natanawan ko si Mina na lumabas kasama ng mom at dad niya.
Uy. Ang ganda-ganda pa rin talaga ng bebe ko. Mas gumanda pa siya lalo ngayon. Gustong-gusto ko na sanang lumapit kaso hindi ko alam kung anong unang sasabihin ko. Parang kinakabahan ako na ewan.
Nakaalis na't lahat ang kotse na sinasakyan nila, nakatayo pa rin ako sa kinapupwestuhan ko dahil sa sobrang kaba.
Wala naman talaga akong ginawang masama. Bakit kinakabahan ako nang ganito? Kainis. Dapat nandito din si Dahyun eh. Sinubukan ko siyang i-text kaso hindi siya nagre-reply. Kinginang 'yon. Nasaan na kaya ang hayp na 'yon? Mamaya 'yon sakin.
Bago pa tuluyang makalayo ang kotse nila Mina, dali-dali na akong sumakay ng kotse para alamin kung saan sila pupunta. Nagmukha tuloy akong stalker. Ano ba naman 'yan?
Huminto sila sa parking lot ng restaurant kung saan madalas kaming mag-date noon. Sabi ko na nga ba, mahal pa rin ako ng bebe ko eh.
Pumuwesto sila sa isang table. Pasimple akong pumuwesto malapit sa kinapupwestuhan nila para marinig ko ang usapan nila.
Mamaya niyan sinasabihan na pala si Mina ng magulang niya na makipagbalikan na sakin. Siyempre kapag ganon, automatic na tatayo na lang ako para harapin sila.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Фанфик[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022