10 : Troublemaker

291 15 8
                                        

[Dahyun's Pov]

"Wala ka nang ginawang tama sa pamilyang 'to!"

Sa pagmulat ng mata ko, umaga na pala. Sumandal ako sa headboard ng kama upang isipin ang isa na namang parte ng panaginip ko.

"Walang ginawang tama." Nasabi ko na lamang habang nag-iisip nang malalim tungkol sa mga bagay na nangyari sa nakaraan ko.

"Anong magagawa ko? Dahyun 'to eh." Ito ako eh. Go with the flow. Pasaway. Matigas ang ulo. Troublemaker. Hindi nila ako mababago.

Napangisi na lamang ako habang iniisip kung gaano kagalit ang taong nagsabi sakin noon na wala akong ginawang tama sa buhay ko.

"Good morning, Dayana. Mukhang maganda ang gising mo ha." Nawala ang ngisi ko nang marinig ang boses ni Sana na gising na rin pala.

"Dahil nakita kita, hindi na maganda ang gising ko." Seryosong sagot ko bago tuluyang bumangon para mag-ayos na sa pagpasok.

"Grabe ka naman sakin. Bilisan mo na ang kilos. Male-late na tayo." Napatingin ako sa kanya na naupo lang sa isang tabi kahit na ready naman na siyang pumunta sa classroom.

"Ano pang hinihintay mo diyan? Pumunta ka na sa classroom."

"Hinihintay kita."

"At bakit naman?"

"Sabay na tayong pumasok."

"Ayaw kitang kasabay." Feeling close na naman siya sakin.

"Ebarg."

"Ebarg?" Confused na tanong ko sa kanya.

"Grabe!"

"Ako pa 'tong grabe? Lakad na. Mauna ka na. Kapag hindi ka pa umalis, hindi na ako papasok ngayong araw."

"Aish. Dayana, Grabe ka talaga sakin. Fine. Mauuna na ako. Bilisan mo na diyan ha. Baka ma-late ka pa."

"Wala akong pakialam kung ma-late ako." Nang tuluyan na siyang lumabas ng kwarto, nagmadali na ako sa pag-aayos ng sarili.

Matapos kong maligo, naghanda na akong magbihis. Total mag-isa na naman ako sa kwarto sa oras na 'to, binalak kong magbihis na sa mismong harapan ng kama ko.

"Pesteng buhay 'to. Dahil sa misyon na 'to, napipilitan tuloy akong gumising ng maaga." Inis na pagkakasabi ko nang makapagsuot ako ng pang-ibaba.

Sa kalagitnaan ng pagsusuot ko ng pang-itaas, biglang bumukas ang pinto ng kwarto dahilan para kabahan ako nang bongga.

"Dayana." Karipas na ako ng suot ng pang-itaas na blouse nang marinig ko ang boses ni Sana sa pagbukas niya ng pinto. Mabuti na lamang at nakatalikod ako sa pinto.

"Sa---Sana, Bakit?" Kabadong tanong ko nang humarap ako sa kanya. Siyempre sinigurado kong ayos na ang damit ko para hindi siya makahalata sa pagkatao ko.

"Oh? Bakit parang gulat na gulat ka?" Nagtatakang tanong niya.

"Kasi ano eh."

"Kasi ano?"

"Nakakagulat ka. Bigla-bigla ka na lang pumapasok."

"Kwarto naman natin 'tong dalawa. Nakalimutan ko yung isa kong libro sa table ko eh." Sambit niya sabay dampot na sa librong naiwan niya.

"Dapat kumakatok ka pa rin." Seryosong sabi ko dahilan para mapatango na lang siya sakin bago mapatingin sakin mula ulo hanggang paa. Potek. Kinakabahan ako dito.

"Dayana."

"Hmmm?"

"Nagji-gym ka ba?" Sandali akong natigilan dahil sa tanong niya.

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon