[Dahyun's Pov]
M
atapos ang klase, nagpaalam na muna ako kay Sana.
"Kita na lang tayo mamaya. Okay?"
"Hintayin kita mamaya, Dahyun."
"Ano ba 'yan?"
"Huh? Bakit? Anong ano ba yan?" Naguguluhang tanong niya kaya bahagya akong napatawa.
"Mamimiss agad kita." Sagot ko sabay pisil sa pisnge niya.
"Huwag mo kong binobola. Sige na. Baka hinihintay ka na ni Ms. Park sa office niya."
"Sige na nga." Wala na akong nagawa kundi lumakad palabas ng classroom. Ngunit bago ko tuluyang makaalis, muli akong sumilip sa kanya.
Napatingin siya sakin na tila ba nagtataka kung bakit ako bumalik.
Nang makasigurado kong hindi nakatingin si Mina na nag-aasikaso pa ng gamit niya, nag-flying kiss ako kay Sana na agad naman niyang hinuli nang pakunwari.
Pigil-tawa kami pareho nang siya naman ang gumaya sa ginawa ko. Hinuli ko din yung flying kiss niya bago tuluyang umalis.
Habang naglalakad ako papunta sa office ni Ms. Park, nakasalubong ko si Momo.
"Dayana."
"Hmmm?"
"Saan ka pupunta?"
"Sa office ni Ms. Park. Kakausapin daw ako eh."
"Ganun ba? Kasabay mo si Sana magdinner mamaya?"
"Oo naman. Bakit?"
"Hmmm. Yayain sana kitang magdinner mamaya."
"Pasensya na. Busy ako, Momo."
"Ganun ba? Sige. Mauna na ako, Dayana." Agad nang lumakad si Momo palayo sakin kaya nagpatuloy na din ako sa paglakad.
Ngunit bago pa ako tuluyang makalayo, may bigla akong naisip.
"Ah. Eh. Momo!"
"Oh? Bakit, Dayana? Nagbago na isip mo?" Agad akong naglakad palapit sa kanya.
"May ire-request lang sana ako kung pwede."
"Sure. Ano 'yon? Basta ikaw. Malakas ka sakin, Dayana."
"Ah. Eh. Pwede ka bang bumili sa cafeteria ng kahit anong miryenda doon?"
"Sure. Ibibili kita ng miryenda mo. Saan ko dadalhin? Sa office ni Ms. Park?"
"Ah. Hindi, Momo. Pagbili mo, pakibigay kay Sana sa kwarto namin. Sabihin mo, ipinabibigay ko."
"Ah. Ganun ba?"
"Oo. Pasensya na sa abala, Momo. Ayos lang din naman kung busy ka."
"Hindi ako busy. Ayos lang. Dadalhin ko kay Sana. Walang problema."
"Hala. Salamat, Momo. Eto yung pambili." Agad kong iniabot sa kanya yung pera pambili.
Naisip ko kasi na baka nagtitipid na naman si Sana. Baka cup noodles na naman ang kainin niya habang wala ako.
Ay. Teka nga. May naalala ako. Ang lakas ng loob ni Sana na sawayin akong bumili ng alak noong nag-grocery kami kasi unhealthy daw. Eh siya din naman, mas kumakain ng unhealthy foods.
"Wala ka nang ibang ibibilin, Dayana?"
"Hmmm. Pakisabi na lang din sa kanya na hintayin niya ako mamaya."
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022