68 : Unexpected Visitor

240 20 6
                                    

[Dahyun's Pov]

"Time of death, 4:30AM." Pag-announce ng doctor na sumubok sa pagligtas sa buhay ni Mom matapos niyang masangkot sa car accident nang dahil sa kagustuhang mapauwi ako ng mansion.

"Kasalanan mo 'to!" Ramdam na ramdam ko ang galit ni Dad sa sobrang lakas ng pagkakasuntok niya sakin. Parang nawala ang amats ko sa alak dahil sa nangyari.

"Dad ---"

"Malas ka talaga sa pamilyang 'to!" Dagdag niya bago pa ako makapag-explain nang mabuti.

"Dahyun." Sumulpot si Chaeyoung sa tabi ko upang subukan na muna akong ilayo kay Dad.

"No. Hindi ako aalis dito. Hindi ako aalis sa tabi ni Mom. Kailangan kong makita si Mom." Sinubukan kong pumasok sa kwartong kinaroroonan niya kaso humarang si Dad sa daraanan ko.

"Umalis ka na. Wala kang karapatang lumapit sa Mom mo matapos nang ginawa mo sa kanya!"

"Please, Dad. I want to see her."

"Kim Dahyun. I said, umalis ka na muna!" Tuluyan na lang na bumagsak ang luha ko habang pinipilit akong hilahin ni Chaeyoung palayo.

"Bro, Let's go." Sambit ni Chaeyoung sakin.

"I want to see my Mom, Bro."

"You don't deserve to see her." Napatingin ako kay Chaeyoung dahil sa sinabi niya."

"Bro..."

"You don't deserve to see me!" Nanlaki ang mata ko nang biglang mawala si Chaeyoung. Si Mom na ang nasa harapan ko. Namumutla siya. Punong-puno ng dugo ang puting bistida niya. Ang sama-sama ng titig niya sakin.

"Mom..."

"It's your fault, My Son!" Bigla niya akong sinakal. Napasandal ako sa pader dahil sa tindi ng pagkakatulak niya sakin. Tila nawala ang lahat ng tao na nasa paligid ng hospital. Nagsimulang magpatay-sindi ang mga ilaw.

"Mom..." Naluluhang pagbanggit ko sa pangalan niya.

"You're selfish, My Son. You don't deserve to be loved. You don't even deserve Sana! You'll end up killing her as well."

"I'm sorry, Mom."

"You're a murderer, Dahyun. You killed your own mother!"

"Hi---Hindi ko sinasadyang maipahamak ka, Mom. I'm really sorry."

"You killed me!"

"No. Mom, No!" Bigla akong napaiktad sa kinahihigaan ko. Habol-hininga akong napalingon sa paligid kung saan nasaksihan kong hindi mapakali si Chaeyoung sa tabi ko.

"Bro, Are you okay? Binabangungot ka na naman!"

Nakatitig siya sakin na para bang halos magpanic na. Dali-dali akong bumangon sa kama kahit na tila nanghihina pa rin ang binti ko dahil sa napakasamang panaginip na 'yon.

"Dahyun, Wait. Saan ka pupunta?!" Agad akong sinundan ni Chaeyoung sa kusina. Halos mataranta na ako sa paghaluglog sa laman ng ref. Wala akong makitang alak.

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon