October 15, 2021 pa pala huling ud ko dito 😂 March 28, 2022 na ngayon 😭 Sorry aken, naging busy kasi talaga. Pero eto, gagalawin ko na ang baso.
Tzuyu's POV:
Maaga akong bumisita sa apartment ni Dahyun upang kumustahin sila. Nabalitaan ko kasi kay Dahyun ang nangyari sa pagitan ni Nayeon, ng Mom ni Nayeon, Dahyun, at Dad ni Dahyun.
Katawagan ko kasi kagabi si Dahyun. Ikinwento niya sakin ang mga nangyari. Grabe, hindi ko inasahan na hahantong sa ganon ang lahat.
Pinagbuhatan ng kamay ng Dad ni Dahyun sila Nayeon at ang Mom niya dahil lang nalaman niya na may relasyon si Nayeon at Jeongyeon? Mygosh. Hindi ko kineri.
Bakit hindi na lang siya maging masaya para kay Nayeon? Love is Love. Kulang siguro sa pagmamahal ang Dad ni Dahyun. Char.
"Kumusta na po ang mga pasa at sugat niyo sa katawan? Heto po, bumili po ako ng gamot para sa inyo." Inilapag ko sa lamesa ang mga gamot na binili ko para kay Nayeon at sa Mom niya.
"Nako. Maraming salamat, Tzuyu." Agad na sabi ni Nayeon sabay abot sa gamot.
"Nakakarami na talaga yung Dad mong 'yon, Dahyun. Kapag ako talaga nanggigil, yari sakin 'yon!" Nagulat na lang ako kay Chaeyoung na biglang sumulpot sa isang tabi.
"Gagi. Chaeyoung, kanina ka pa ba diyan?" Nagtatakang tanong ko.
"Tzuyu, masanay ka na kay Chaeyoung. Bigla-bigla na lang yang nasulpot dito, kahit doon sa lumang apartment ko."
"Ay, makapal ang mukha." Pabirong sambit ko dahilan para mapatingin nang masama sakin si Chaeyoung.
"Grabe ka sakin, Tzuyu. Isusumbong kita sa Mina Myloves ko!"
"Eh di isumbong mo. Ano ka, Baby?"
"Baby niya ako." Napakunot-noo ako sa kanya. Tama si Jeongyeon, umay talaga kay Chaeyoung.
"Harot-harot niyo ni Mina. Pwe."
"Weh? Inggit ka lang kasi hindi mo maharot si Dahyun ngayon kasi nandito si Nayeon at ang Mom niya. Bleh!" Natigilan kami sa sinabi ni Chaeyoung.
"Gageu ka talaga, Chaeyoung. Manahimik ka nga diyan." Agad siyang binatukan nang slight ni Dahyun.
"Oo nga pala, Tzuyu. Ikaw yung fiance ni Dahyun, right?" Curious na tanong ng Mom ni Nayeon.
"Ah. Eh. Opo." Nagdadalawang-isip pang sagot ko.
"Mukhang close kayo ni Dahyun. Ibig sabihin ba, tuloy na ang kasal niyo? I mean, sorry kung in-open up ko 'tong topic na 'to. Pwede niyo namang hindi sagutin. Pero as Dahyun's stepmother, curious ako if may romantic pang namamagitan sa inyong dalawa ngayon?"
"Mom, ang daldal mo na masyado." Pasimpleng awat ni Nayeon sa Mom niya.
"Ah. Eh. No, Nayeon. It's okay. As my second mom, deserve naman niyang malaman." Agad na sagot ni Dahyun.
"Mom?" Tila nagulat ang Mom ni Nayeon sa narinig niya mula kay Dahyun.
"Ah. Eh. Yes, you're my second mom." Medyo awkward na sagot ni Dahyun.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfic[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022