[Dahyun's Pov]
"Heto na naman tayo." Tinatamad na pagkakasabi ko habang nakatayo sa harapan ng gate ng university na kasalukuyang pinapasukan.
Sobra na 'tong effort ko ha. Napakaaga kong dumating dito kasi ginising na ako ni Chaeyoung. Pagkahatid niya sakin dito, umalis agad ang mokong.
Delubyo na nga dito tapos kulang pa ako sa tulog. Napahinga na lang ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa loob.
Sa pagdaan ko sa guard house, biglang napalingon sakin yung guard.
"Good morning. Sobrang aga niyo naman pong bumalik." Pagbati niya.
"Morning. Ganon po talaga kapag masipag mag-aral." Sagot ko na lamang bago lumakad palayo.
Konti pa lang ang mga estudyante na namamataan ko sa paligid. Kingina kasi ni Chaeyoung eh. Kulang na lang sakin ipa-open ang gate sa pagmamadali sakin na bumalik dito.
Hindi ko masyadong na-enjoy yung kalayaan ko kahapon. Parang Dayana pa rin ang role ko kahapon simula nang makasama si Sana sa club bar.
Sa pagsakay ko sa elevator, minabuti kong maupo na muna sa isang sulok dahil sa antok. Napasandal na lang ako sa gilid habang paakyat ang elevator.
Pagmulat ko ng mata ko, katabi ko na si Tzuyu. Nakaupo din siya sa sahig habang nakasandal.
"What the --- Paano ka napunta sa tabi ko?!" Gulat na tanong ko sa kanya sabay karipas nang tayo. Medyo napalakas ang boses ko. Nakalimutan ko magboses babae kaya sandaling natigilan si Tzuyu. Mabuti na lang nakontrol ko din agad kaya hindi niya masyadong napansin.
"Mukhang nakatulog ka kasi dito sa loob ng elevator. Pasakay ako kanina nang makita kitang nakaupo diyan sa sulok nang mag-isa."
"Seryoso?!"
"Hmmm. Oo."
"Ilang segundo ko nakatulog?"
"Dayana, hindi segundo. Halos kalahating oras din siguro."
"Kalahating oras? What the hell? Totoo ba? Paano mo naman nalaman? Anong ginagawa mo sa tabi ko? Bakit nakaupo ka din sa sahig?"
"Naisip ko kasi kanina na baka kulang ka sa tulog kaya nakatulog ka diyan. Gigisingin sana kita kaso naisip ko na samahan ka na lang muna."
"Huh? Sinamahan mo ko sa loob ng kalahating oras?"
"Oo."
"Bakit?"
"Hmmm. Wala lang. Para may karamay ka."
"Hala. Eh di nakita ako ng ibang estudyante na sumasakay ng elevator?" Kabadong tanong ko sa kanya dahilan para mapatawa siya nang slight.
"Konti lang naman. Huwag kang mag-alala. Wala tayong classmate na nakakita sayo."
"Ibig sabihin kanina pa paakyat-baba 'tong elevator habang natutulog ako dito?"
"Parang ganun na nga. Huwag mo nang intindihin 'yon kasi kokonti pa lang naman ang tao dito kanina."
"What the hell? Para akong sira dito!" Napa-face palm na lang ako sa kahihiyan ko. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa.
"Ayos lang 'yan, Dayana. Ang mahalaga nakatulog ka pa kahit paano."
"Tzuyu."
"Hmmm?"
"Salamat."
"Wala 'yon. Tayo-tayong magkaka-classmates din naman ang magtutulungan." Ngumiti siya sakin.
Hindi naman siguro tumulo ang laway ko habang natutulog ako at hindi naman siguro ako humilik. Grabeng kahihiyan 'to. Never akong naabutan nang babae sa ganitong sitwasyon. Buti na lang si Dayana ako ngayon kaya safe na safe ang charms ko bilang si Dahyun.
"Dayana."
"Hmmm?"
"Anong nangyari sa pisnge mo? May sumuntok ba sayo?"
"Huh? Ah. Wala 'to. Nauntog lang sa kung saan sa bahay namin." Palusot ko sa kanya.
"Ganun ba? Doble ingat sa susunod. Isa pa, huwag mo masyadong stress-in ang sarili mo. Pahinga din 'pag may time." Huwag stress-in? Gusto ko na nga lang sana maging chill dito kaso hindi umaayon sa gusto ko ang mga nangyayari.
"Salamat, Tzuyu."
"Wala 'yun." Akma na sana siyang tatayo kaya ini-offer ko ang kamay ko para tulungan siyang makatayo.
Nang hawakan niya ang kamay ko, saktong bumukas ang pinto ng elevator. Bumungad sa harapan namin sina Sana at Mina.
"Oh, Dayana at Tzuyu." Bati ni Mina samin samantalang nanatiling nakatingin samin si Sana.
"Ah. Hi." Matipid na sagot ko nang tuluyan ko nang matulungan makatayo si Tzuyu.
"Good morning sa inyong dalawa." Bati din naman ni Tzuyu sa kanila.
Agad na din silang pumasok sa loob para sabay-sabay na kaming makapunta sa mga kwarto namin. Pasimple akong napalingon kay Sana na seryoso lang sa tabi ni Mina.
"Dayana, napaano yang sugat mo sa mukha?" Biglang tanong ni Mina nang mapalingon siya sakin.
"Ah. Eto? Naumpog lang ako kung saan." Palusot ko ulit. Nang mapalingon sakin si Sana, umiwas ako ng tingin.
"Good morning, Guys." Biglang bati ni Sana samin nang may halong sigla. Kingina. Muntik na akong magulat sa kanya. Bigla-biglang nag-iiba ang mood.
Lutang pa ba si Sana kaya ngayon lang siya nagloading na bumati samin? Bago pa ako makapagsalita, bumukas na ang elevator kaya agad na rin kaming lumabas dito.
"See you later, Guys." Sabi ni Tzuyu sabay una nang lumakad samin.
"Mauna na rin ako sa inyo, Sana." Sabi naman ni Mina sabay lakad na din.
"Let's go, Dayana." Bigla na lang akong hinawakan ni Sana sa kamay para hilahin papunta sa kwarto namin.
"Sandali lang naman. Para namang nagmamadali ka. Hindi naman mawawala yung kwarto natin."
"Gagamutin ko 'yang sugat mo."
"Hindi na kailangan. Nagamot ko na 'to kagabi."
"Gagamutin ko pa rin."
"Aish. Ang kulit mo na naman, Sana."
"Namiss mo ko noh?"
"Asa ka." Bigla siyang napa-giggle habang naglalakad kami papunta sa kwarto namin nang magkahawak-kamay dahil hila-hila niya ako.
"Ang sungit mo na naman sakin."
"Dapat masanay ka na."
"Sanay na ako, Dayana. Sana masanay ka na din sa pangungulit ko." Nakangiti siyang lumingon sakin. Eto ha. Hindi ko itinatanggi na ang ganda ng bwisit na 'to kaso hindi ko siya bet. Mas lamang yung pagka-asar ko sa kanya ngayon.
▪️▪️▪️▪️▪️
A|N : Hanggang dito muna. HAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfic[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022