34 : Sikreto

265 17 3
                                    

[Dahyun's Pov]

Sa pagbalik namin sa classroom para sa afternoon class, naabutan namin na nandoon na din sina Mina, Momo at Tzuyu. Wala pa yung prof namin para sa subject ngayong hapon. Hindi pa pala kami late.

"Dayana, ayos ka na ba?" Agad na tanong ni Momo sakin.

"Ah. Ayos naman. Anong meron?"

"Nag-alala kasi kami kanina kasi nagmamadali kang umalis. Noong sumunod sayo si Sana at Mina, naisip namin na baka may nangyari kaya nagmamadali kang umalis."

"Ayos lang talaga ako. May sinagot lang akong importanteng tawag mula sa kaibigan ko."

"Hindi na nga ako nakaabot kay Sana kanina eh. Dayana, bakit mo naman tinakbuhan si Sana kanina nang makita ka namin? Nag-alala kaya yan sayo." Extra ni Mina dahilan para mapalingon ako kay Sana.

"Nag-aalala? Hindi kaya. May kailangan lang akong sabihin sa kanya kanina." Pagtanggi ni Sana kaya bahagya akong natawa.

Totoo pala talagang nag-alala siya sakin kanina kaya hinabol niya ako. Kunwari pa siyang sinundan niya ako para alamin kung pinopormahan ko si Tzuyu.

"Concern ka naman pala talaga sakin, Sana."

"Lah? Asa ka." Depensa niya sa sarili niya sabay irap sakin. Kunwari pa siya eh.

"Oo nga naman. Asa ka pa na magustuhan ka ni Sana." Biglang umextra si Nayeon sa usapan namin.

"Wala na. May epal na." Seryosong pagkakasabi ko sabay tingin kay Nayeon na humarap sa pwesto namin.

"Totoo naman kasi. Nagpi-feeling ka na papatulan ka ni Sana." Bwisit talaga 'tong si Nayeon kahit kailan eh.

"Tama na 'yan, Nayeon." Saway ni Jeongyeon kaso ayaw pa rin niyang paawat.

Talagang sinusubukan ako nitong si Nayeon eh. Hmmm. Makikita niya ngayon kung anong hinahanap niya.

"Nayeon lang ba talaga ang tanging tawag mo sa kanya, Jeongyeon?"

"Anong ibig mong sabihin, Dayana?" Naguguluhang tanong ni Jeongyeon sakin.

"Hindi ba babe ang tawag mo sa kanya?" Napangisi ako nang mapansin kong tila nagulat si Jeongyeon.

"Ah. Babe? Hindi ko alam ang sinasabi mo, Dayana." Kunwari pa 'tong si Jeongyeon. Kitang-kita ko sila ni Nayeon kanina sa science laboratory.

Oo. Silang dalawa yung nakita ko kanina. Akalain mo na malalaman ko nang ganito kaaga ang sikreto ng bwisit na Nayeon na 'to. Makakaganti na din ako sa wakas.

Sa puntong 'to, rinig na rinig ng ibang classmates namin ang pinag-uusapan namin. Sigurado kong hindi na makakapalag sakin si Nayeon ngayon dahil sa nalaman kong sikreto nila ng babe niya.

"Jeongyeon, Sigurado kong alam niyo ni Nayeon ang tinutukoy ko. Diba? Babe sa Science Laboratory?"

"The hell, Dayana? Ah. Eh. Ano bang sinasabi mo? Hindi namin alam kung anong pinagsasabi mo." Pansin ko sa boses ni Nayeon na bigla siyang kinabahan kahit na pilit niyang hindi ipinapahalata.

"Hindi niyo alam o kunwaring hindi niyo alam? Sus. Huli na kayo. Alam ko na. Kung anong naiisip niyong dalawa na nalalaman ko, tama ang hinala niyo." Bahagyang napakunot ang noo ni Nayeon kaya lalo akong napangisi.

"Guys, anong meron?" Clueless na tanong nila Momo.

"Sa tingin mo, ikaw lang ang may nalaman?" Biglang bungad ni Nayeon.

"Blah blah blah, Nayeon." Pang-aasar ko sa kanya.

"May nalaman din kasi kami ni Jeongyeon kanina bago kami pumunta dito sa classroom. May nasaksihan kaming naghaharutan malapit sa science laboratory." May namuong ngisi sa labi ni Nayeon.

"Guys, anong meron sa science laboratory?" Clueless na tanong naman ni Mina.

"Tulad ng ano?" Agad na tanong ko kay Nayeon.

"Palagi akong nakucurious kung ano nang pinagkakaabalahan ng stepbrother ko ngayon. Well, alam ko na ngayon kung anong pinagkakaabalahan niya. Alam ko na din kung nasaan siya ngayon." Sambit ni Nayeon nang hindi inaalis ang tingin sakin.

"Tama na nga 'yan, Nayeon." Awat ulit ni Jeongyeon sa babe niya.

Biglang napatikhom ang kamao ko dahil may hinala na ako kung anong tinutukoy ni Nayeon. Damn! Paano niya nalaman na nandito ako? Paano niya nalaman na ako 'to? Aish. Malakas ang kutob ko na nakita nila kami ni Sana kanina.

Akala ko tuluyan na silang nakalayo kanina. Napalingon ako kay Sana na medyo naguguluhan din sa pinag-uusapan namin ni Nayeon.

Kingina! Kinulang ata ako sa kalkulasyon sa planong pagganti ko kay Nayeon. Hindi ko inaasahan na malalaman din niya ang sikreto ko!

Pareho kaming natahimik ni Nayeon habang nakatingin sa isa't-isa. Para bang nagwawarning kami sa isa't-isa sa pamamagitan ng titigan. Pasalamat siya na nalaman niya ang sikreto ko kaya hindi ko maibunyag ang sikreto niya.

Hindi pa ito ang tamang oras. Kailangan ko munang umisip ng paraan kung paano malulusutan 'to. Lagot talaga ako kay Chaeyoung nito. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos ngayon lalo pa't nabisto ako ni Nayeon at Jeongyeon.

Nahinto muna ang tensyon sa pagitan namin ni Nayeon nang dumating na ang prof namin.

Hindi ko maiwasang mapakunot-noo. Ayos na eh. Maganda na sana ang pagganti ko kay Nayeon kung hindi lang niya ako nabisto. Pero kahit ganon, ayos na din na nalaman niya kahit paano. At least, hindi ko na kailangang magtimpi sa kanya.

Dahil alam na niyang ako 'to, bardagulan na. Hindi ko lang sigurado kung alam na din niya ang tungkol sa dahilan kung bakit nandito ako't bakit ginagawa ko 'to.

▪️▪️▪️▪️▪️

A|N : Eto na muna. HAHAHAHAHA.


Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon