76 : Okay Na Ako

289 20 12
                                        

[Sana's Pov]

"Mag-abang ka diyan, Sana. Hindi man kayo magkita o magkausap, isipin mo na lang na kaharap at kausap mo siya." Nang makatanggap ako ng text mula kay Tzuyu, dali-dali akong nag-abang sa kung ano bang ibig sabihin niya na abangan ko.

Makalipas ang ilang oras, may narinig akong helicopter na umaaligid sa lugar na kinaroroonan ko. Bigla akong kinabahan. Dadalhin ba ni Tzuyu si Dahyun dito? Hindi niya pwedeng malaman na nandito ako.

Lumipas pa ang ilang minuto, hindi nagpapakita ng sign ng pagland ang helicopter na sa tingin ko ay kasalukuyang sinasakyan nila Dahyun at Tzuyu.

Hindi ko alam kung bakit, pero ang sakit. Bahagya ko na lamang iniangat ang kamay ko na animo'y sinusubukan kong abutin si Dahyun sa helicopter na kinasasakyan niya.

"I'm sorry, Dahyun." Tanging salitang nabanggit ko lamang habang naririnig ang helicopter na umaaligid sa paligid.

Inaamin ko, mahirap 'to. Sobra. Mas mahirap pa sa inaakala ko. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko. Hindi ko sigurado kung ito ba talaga ang tamang desisyon.

Basta ang alam ko, gusto ko siyang protektahan. Gusto kong makasigurado na hindi siya masasaktan. Okay lang ako. Magiging okay din ako.

Kailangan kong gawin 'to.

Bigla kong naalala yung araw na sobra ang pagtataka ko kung ano bang inaasikaso ni Dahyun dahil hindi siya sumasagot sa mga text o tawag ko.

Noong gabi na 'yon, nakatanggap ako ng message mula sa unknown number.

"Naiinip ka na ba sa kakahintay kay Dahyun? Eto siya oh. Inaasikaso ang kasal niya kasama ng fiance niyang si Chou Tzuyu."

Nanlaki ang mata ko nang mabasa ang text message mula sa unknown number. Noong una, akala ko kung sinong nantitrip lang. Pero maya-maya, nagsend siya ng litrato kung saan makikitang masayang magkausap si Dahyun at Tzuyu sa balcony ng isang malaking bahay.

Halos maibagsak ko ang cellphone ko noong panahon na 'yon. Hindi ko maiwasang mag-overthink. Fiance? Fiance ni Dahyun si Tzuyu? Bakit hindi ko alam 'yon? Bakit walang sinasabi si Dahyun?

Kaya ba parang may something akong napapansin sa tuwing magkasama sila? Pero hindi ganon ang pagkakakilala ko kay Dahyun eh. Hindi ako lolokohin ni Dahyun.

Believe it or not, buong gabi akong nag-isip noong panahon na 'yon. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong paniwalaan. Binabagabag ako ng litratong nakita ko. Minabuti kong huwag na munang kausapin si Dahyun nang gabi na 'yon.

Kinabukasan, nabigla ako sa nasaksihan ko sa pagbalik ko sa school. Nagkalat ang impormasyon tungkol sa tunay na pagkatao ni Dahyun. Sobra akong nag-alala na baka napaano na siya dahil sa paglabas ng katotohanan.

Ngunit nang mahanap ko siya, kasama niya si Tzuyu. Magkahawak-kamay sila. Muling nagnumbalik sa isip ko ang litratong natanggap ko. Para akong sinasaksak.

Hindi ko kinaya kaya nagtatakbo ako palayo ngunit hinabol ako ni Dahyun. At doon na naganap ang usapan naming dalawa. Sobrang gulo ng isip ko nang mga oras na 'yon. Sa sobrang gulo, minabuti kong umagwat kay Dahyun.

Ang daming nangyari simula noong araw na minabuti kong lumayo na muna kay Dahyun. Sobrang hirap. Araw-araw ko siyang hinahanap-hanap, ngunit may kung ano sa puso ko na nagsasabing "tama na".

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon