58 : Fiance

272 17 7
                                        

[Dahyun's Pov]

Ang weird man sabihin nito pero nakakapanibago din pala 'tong ganitong buhok ko. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung paano ako mage-explain kay Chaeyoung at kung paano ko ime-maintain na mag-wig na lang sa school.

"Ayan, Apo. Diba? Mas magandang tingnan kapag presko ka." Tinapik-tapik pa ni lolo ang balikat ko habang pinagmamasdan ko sa salamin ang bagong gupit na buhok ko.

"Ah. Eh. Ayos lang po." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Aminado naman ako na na-miss kong maging ako talaga, pero kasi iniisip ko pa rin kung paano tatapusin ang misyon kay Mina nang ganito.

"Ano pang hinihintay mo? Tumayo ka na diyan. Bibili naman tayo ng bagong damit na isusuot mo."

"Marami naman akong damit, Lo."

"Kahit na. Gusto kong magustuhan ka agad ng fiance mo sa oras na magkita kayo."

"May magagawa pa ba ako?" Walang energy na pagkakasagot ko bago tuluyang tumayo para sumunod kay lolo palabas ng barber shop.

Sa pagsakay namin sa kotse, napatanaw na lang ako sa tanawin sa labas. Bigla kong naisip kung kumusta na kaya si Sana kasama ng lolo't-lola niya. Nag-enjoy kaya siya sa bonding nila sa restaurant?

Dahil gustong-gusto ko nang mapuntahan si Sana, minabuti ko na lang na sakyan ang mga trip ni lolo pansamantala para makaalis na ako.

"Ano nga palang pinagkakaabalahan mo nitong mga nakaraan, Dahyun?"

"Hmmm. Wala naman po."

"Wala? Bakit naisipan mong magpahaba ng buhok? May ina-achieve kang goal sa bucket list mo?"

"Bucket list? Tsk. Wala ako ng ganon, Lo."

"Eh ano? As in nakatambay ka lang sa apartment?"

"Hmmm. Parang ganon na nga."

"Mabuti na lamang umuwi ako para tulungan kang may pagka-abalahan, Apo."

"No, Thanks. Ayos na ako sa ganito, Lo."

"Hindi pwedeng ganan palagi, Apo. Gusto kong ikaw ang magmana ng lahat ng pinaghirapan ko. Para sayo 'yon. Hindi sa stepsister mong si Nayeon o kahit sino pa."

"Lo."

"Ano 'yun, Apo?"

"Bakit hindi mo na lang piliin si Nayeon kaysa sakin? Ako nga yung tunay mong apo, pero alam naman natin na mas may ibubuga si Nayeon kaysa sakin dahil hindi siya sakit sa ulo."

"Apo, aminado naman ako na parang tunay ko na rin na apo si Nayeon kahit na hindi nananalaytay sa kanya ang dugo ko. Tama na may ibubuga nga talaga siya kung siya ang piliin kong mamahala sa mga pinaghirapan ko, pero alam kong may mas ibubuga ka pa sa kaya mo ngayon."

"What do you mean, Lolo?"

"Iba ka, Iba si Nayeon. Naniniwala akong kakayanin mong pangalagaan nang maayos ang mga pinaghirapan ko kaya nga nandito ako para gabayan ka sa mga desisyon mo."

Bigla akong napatingin kay Lolo na nakatanaw lang din sa view sa labas ng kotse. Kahit na inii-stress ako ni lolo sa araw na 'to, may nagawa pa rin siya para pagaanin ang kalooban ko kahit paano.

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon