[Sana's Pov]
"Tzuyu, we need to talk." Sinaraduhan ko ang pinto ng kwarto namin upang makasigurado na walang ibang makakarinig sa pag-uusapan namin.
"Yes. We really need to talk, Sana."
"Bakit hindi mo sinabi sakin na may outing kayo nila Mina? Kung alam ko lang, hindi na sana ako sumama kay Mina."
"Listen, Sana. Hindi ko rin alam na isasama ka ni Mina. Wala siyang nabanggit samin. Miski ako, nagulat. Teka. Ano naman kung nandito ka? May pinagsamahan naman kayo ni Dahyun. Kung iniisip mo na baka nakakasira ka na sa bakasyon na 'to, nagkakamali ka."
"Hindi 'yun ang inaakala ko, Tzuyu. The more na kasama ko si Dahyun, the more na mahihirapan akong putulin ang koneksyon naming dalawa."
"Hayst. Itutuloy mo ba talaga, Sana?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Gets ko na pinag-usapan na natin yung magiging plano natin pero kasi---sa tingin ko, hindi mo deserve na maging masama sa paningin ng lahat nang nandito."
"Tulad ng sinabi mo, napag-usapan na natin 'to. Just do what you have to do. Please be with Dahyun. Alam kong mas deserve niya yung isang katulad mo. Hindi tulad ko na sinungaling. Okay?"
"I tried to, Sana. Pero anong napala ko? Mas tumatak lang sakin na hanggang kaibigan lang talaga ang turing niya sakin. Kahit gusto kong maramdaman na ako yung mahal niya, hindi talaga. Alam mo kung bakit? Kasi ikaw pa rin talaga yung gusto niya, kahit sa mga oras na 'to."
"Tzuyu."
"Please, Sana. Pag-isipan mo ulit 'to. Mahal ka niya at mahal mo siya. So, bakit hindi niyo piliin ang isa't-isa? I understand na komplikado ang sitwasyon dahil kay Momo pero gagawan naman natin 'to ng paraan."
"So you're telling me na maging selfish? Kung padalos-dalos ako, baka madamay ang lahat. I don't want it to happen, Tzuyu."
"Kasalanan niyo ba ni Dahyun na nagkaganon si Momo? Hindi, Sana. Gusto niyo lang naman ng mapayapa at maayos na relasyon. Sabihin mo man o hindi, alam kong pagod ka na rin."
"Pero---"
"Think about it, Sana. Hindi niyo deserve ni Dahyun na pagkaitan ng pagmamahal ng isa't-isa. Pinoproblema mo si Momo? Then, I'll do everything I can para masiguradong hindi siya magtatagumpay sa mga binabalak niya."
"Tzuyu, don't you dare do something stupid. Ako nang bahala gumawa ng solusyon para sa problemang 'to."
"You know what, Sana. 'Yan ang problema sayo. Sinasarili mo lahat ng problemang pwede namang pagtulungan ng lahat. But okay, I can't blame you for that. It's just--we're here as your friend and family. Kung magtutulungan tayong lahat, we'll be able to get rid of Momo's stupidity."
"Madaling sabihin 'yan pero mahirap gawin, Tzuyu. Do you really want me to tell the truth to Dahyun and expect na maniniwala kaagad siyang may masamang balak si Momo?"
"Ibig bang sabihin, hindi ka naniniwala na mas paniniwalaan ka ni Dahyun? Kilala mo ba talaga si Dahyun? Ikaw 'yung mahal niya, tas ine-expect mo na kay Momo siya maniniwala? Bakit? Sila ba ni Momo?"
"Hindi mo siguro alam kung gaano ka-close si Momo at Dahyun. Para kay Dahyun, hindi makabasag pinggan si Momo. Paano kung sabihin ko sa kanya tapos mas panigan niya si Momo? Paano kung malaman ni Momo na sinabi ko kay Dahyun? Paano kung mas maging madali para kay Momo na makuha ang tiwala ni Dahyun sa ganoong paraan? Gets mo ba?!"
"I know na delikadong magdesisyon nang padalos-dalos, Sana. Pero iniisip mo talaga na mas kakampi si Dahyun kay Momo kaysa sayo? Dapat ikaw yung mas nakakakilala sa kanya, diba? Why don't you admit na natatakot ka na baka talikuran ka ni Dahyun kapag nalaman niya na nagsinungaling ka sa kanya? Kung kilala mo talaga siya, alam mong maiintindihan ka niya."
"Hindi ganon kadali, Tzuyu. There's no turning back. Ang dami kong inilihim sa kanya, even yung mga bagay na alam kong karapatan niyang malaman. Sa tingin mo, mapapatawad niya ako kapag nalaman niyang matagal-tagal ko nang inililihim na may malubhang karamdaman ang Lolo niya?"
"Alam nating pareho na inilihim mo lang 'yon dahil 'yun ang pakiusap ng Lolo niya. Hindi mo 'yon ginusto, Sana. It's not too late, Sana. Pwede mo bang sabihin sa kanya ang katotohanan."
"Sigurado akong kamumuhian niya ako."
"Kaya ililihim mo na lang habang-buhay? Hahayaan mo na lang na maubos na ang oras ng Lolo niya nang hindi sila nagkakausap o nagkikita man lang ulit nang harapan? Mygosh, Sana. Alam natin pareho na karapatan ni Dahyun malaman ang kondisyon ng Lolo niya."
"I---I can't. Nangako ako sa Lolo niya."
"Hindi mo man lang ba naiisip na maiintindihan ng Lolo ni Dahyun kung pipiliin mong sabihin ang katotohanan sa apo niya? May Lolo at Lola ka din, Sana. Siguro naman alam mo yung pakiramdam nang mawalay sa kanila nang matagal." Hindi na ako nakasagot kay Tzuyu na lumabas na muna ng kwarto.
Maya-maya, biglang kumatok si Mina sa pinto.
"Oh, Mina. Ikaw pala. Kanina ka pa ba di---?" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil bigla niya akong niyakap.
"Ssshhh, It's okay." Marahan niya akong tinapik sa likuran.
"Mina, what should I do?" Naluluhang tanong ko habang kayakap siya.
"No matter what, always remember na wala kang masamang intensyon sa mga naging desisyon mo. I'm sorry, nakinig ako sa usapan niyo ni Tzuyu sa labas ng kwarto. Sa tingin ko, may punto siya. Habang tumatagal, lumalala lang ang sitwasyon. Kailangan ng lumabas ang katotohanan."
"Paano kung---"
"Ssshhh, kakayanin natin 'to. Okay?"
"Mina, natatakot ako sa mga posibleng mangyari."
"Tama si Tzuyu. Kilala mo si Dahyun, alam mong marami na siyang pinagdaanan. Kakayanin niya rin 'to, Okay?"
"Sigurado nga panahon na para aminin ko sa kanya ang katotohanan." Tumango sakin si Mina.
"Sanaaa!" Nagulat kami kay Chaeyoung na sumulpot sa pinto ng kwarto na mukhang hingal na hingal sa pagtakbo.
"Oh, Chaeyoung. Bakit?" Gulat naming tanong ni Mina.
"Si Dahyun." Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang pangalan ni Dahyun.
Bago pa ulit magsalita si Chaeyoung, nagtatakbo na ako palabas para alamin kung anong problema.
"Sana, si Dahyun---" Nakasalubong namin si Tzuyu.
"What happened? Nasaan siya?!" Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko siya sa labas, nakatayo.
"Dahyun." Kakaiba ang pagtingin niya sakin. Pagtingin na kahit kailan ay hindi ko nanaisin na makita mula sa kanya.
▪️▪️▪️▪️▪️
A/N : Kumusta kayo? Ano sa tingin niyo ang nangyari kay Dahyun?
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022