95 : Kutob

150 10 12
                                        

[Jihyo's Pov]

"Finally, you're here!" Biglang sabi ni Dahyun nang dumating si Dokyeom kasama si Browny.

"Dokyeom, sit here. Sabayan mo na kaming kumain. Bumili si Dahyun ng pagkain." Anyaya ko sa kanya kaya tuluyan na siyang naupo sa tabi ko.

"Hey, Browny. Nag-enjoy ka bang mag-walk? Pinagod ka ba ni Dokyeom? Tell me, sweetie pie." Napataas ako ng kilay habang pinagmamasdan si Dahyun na nagpapa-cute sa harapan ni Browny.

"Kung nakakapagsalita lang 'yan si Browny, baka minura ka na. Grabe, nakakatakot yung nasaksihan niya eh."

"Shut up, Jihyo. Dahil sakin, kaya nagkakilala kayo ni Dokyeom. Kung wala ako, wala ka pa ring jowa ngayon." Pasmado din ang bibig nitong si Dahyun minsan.

"Tsk. Baka nakakalimutan mo, buhay ka pa dahil sakin. Kung hindi kita inilabas sa ambulansyang 'yon, baka matagal nang sabog-sabog 'yang katawan mo."

"Para na naman kayong mga bata. Look at Browny, mas mature pa ata sa inyo yung aso. Para walang away, ganito na lang. Dahil sakin, nandito pa kayo dahil kung hindi ko kayo iniligtas noon---alam niyo na." Nakangising sabi samin ni Dokyeom.

"Thank you, Mahal." Hindi ko maiwasang mapangiti habang kahawak ang kamay niya.

"You're welcome, Mahal." Nakangiti rin na sagot sakin ni Dokyeom.

"Grabe, ang sakit ng mata ko dahil sa inyo. Browny, hold my hand." Biglang react samin ni Dahyun sabay akmang lapit kay Browny kaso lumakad ito palayo sa kanya.

"See? Kahit si Browny, nawi-weird-ohan sayo." Sambit ko sabay tawa dahilan para mapakunot-noo si Dahyun.

"Browny, nagtatampo ako sayo. Porke't iginala ka ni Dokyeom, ganyan ka na. Ako 'tong tunay mong amo eh. Don't worry, sweety pie. One day, igagala kita.

"Bakit kasi hindi ka na bumalik sa pamilya mo?" Tanong ko dahilan para matigilan si Dahyun sa paghabol kay Browny.

"Hmmm. I can't do that."

"Why? All this time, hindi nila alam na buhay ka pa. Minsan nagi-guilty na nga ako, lalo na kapag nakakasalubong ko si Sana sa school."

"Jihyo, congrats nga pala sa pagiging new owner ng school."

"Huwag mong ibahin ang topic, Kim Dahyun. Pero thank you, hindi naman talaga ako ang new owner."

"Lah? Akala ko ikaw?" Gulat na pagrereact niya.

"No, it's your father."

"Si Dad ang new owner ng school?"

"Yes, matapos ang nangyaring insidente. Dad mo na ang nag-asikaso ng mga bagay-bagay. Miss ka na niya, sobra."

"Hmmm. I think, hindi pa ako ready. I mean, gustong-gusto ko na rin silang makausap at makasama kaso---"

"Kaso ano?" Tanong naman ni Dokyeom. Marites din 'tong si Dokyeom minsan eh.

"Hindi ko alam kung tama pa bang bumalik ako sa kanila. I think, mas better nang ganito na may kanya-kanyang bagong buhay na sila."

"Baliw ka ba? Habang-buhay ka na lang bang magtatago? Yung Lolo mo, hindi mo ba siya namimiss? Nasa ibang bansa ulit siya ngayon, nagma-manage ng family business niyo. I remember, matagal na kayong hindi nagkikita diba?"

"I miss him so much. I can't even forgive myself for putting them in trouble. Hindi muna ako nakinig sa explanation nila noon, nagwalk-out ako. Dinala ko sila sa K's Beach Resort, tapos iniwanan ko sila doon. Hindi ako nakaramdam sa mga plano ni Momo. Dahil sakin, may muntik na namang mapahamak."

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon