CHAPTER 1

6.1K 220 88
                                    

Chapter 1:
Kick Out

Zaya's POV

"Alam mong babae ka? Sakit ka sa ulo!" Sigaw sa akin ni Lea.

Nasa loob kami ng disciplinary office ngayon at wala siyang hiya na sumigaw at mag-eskandalo dito sa loob. I can see in my peripheral view na nakatingin na ang principal samin. But I don't care. Dapat nasanay na siya dahil lagi na naman akong nandito noon at hanggang ngayon.

"Mrs. Olegarco, please calm down. Please take a seat." Sabi ng principal. Sumunod naman si Lea sa sinabi nito.

"Hindi ko na po pahahabain pa. Marami nang faculty members at mga estudyante ang nagrereklamo dahil sa bad behavior ng anak niyo." Panimula ng principal.

Napatingin ako kay Lea. Parang nasusuka na siya sa sinabi ni Mr. Reves sa words na 'anak niyo'. Well, same here!

"Kahit ako rin po ay sumusuko na. Hindi ko na alam kung anong gagawin sa batang yan." Anas ni Lea habang umaarteng masakit na ang ulo.

Kaysa makinig sa kanila at sa kadramahan ni Lea, pinili ko na lang na makinig sa mga tugtog sa cellphone ko. I even putted my headphones on. I started playing the music.

'Cause I know you we're trouble when you walk in~

Yeah. I'm a real trouble. Badass.

Habang nakapikit na nakikinig sa kanta ay tumaas ang kilay ko ng tanggalin ni Lea ang suot kong headphones. Nagtatanong ko itong tinignan.

Problema mo?

"Kick out ka na." Mariin nitong sabi. Napasuklay ako sa mahaba kong buhok. Naiisip ko na makikick out ako, but I never expected that it would really happen.

Am I really that troublemaker? Sa bagay, halos kalbuhin ko lang naman ang isa sa mga schoolmates ko. Ang landi kasi eh. Tama lang yun sa kaniya. At marami pang mas malala do'n. Marami ng estudyante ang pinadala ko sa clinic. Sinong hindi maki-kick out no'n?

Hindi na ako nagsalita at lumabas na lang ng office. Patuloy lang ako sa paglalakad kahit  na tinatawag ako ni Lea. Nang masiguro kong nakalayo na ako kay Lea ay lumiko ako at pumunta sa may garden ng school. Diretso lang ang tingin ko sa isang gazebo. Papalapit na ako sa gazebo ng marinig ko ang usapan nila.

"Kick out na 'yon for sure. I'll be the next queen in the campus. Sakin na si Paris." Dinig kong sabi ni Bitch... I mean Mitch. Magkatunog kasi eh.

This bitch. She's acting as a friend when I'm around. But she's stabbing me on my back. May balak pa yatang agawin si Paris. Asa siya.

"Hi Bitch... Mitch." Natigil sila sa pag-uusap dahil napansin at nakita na nila ako. Nakita ko pa ang pagkabigla ni Mitch.

Pumasok ako sa gazebo at dumiretso sa direksyon niya. She's feeling uneasy. She can't stop biting her lips. Tumayo ako mismo sa harap niya.

"Tapos na sa disciplinary?" Tanong pa nito. I just acted natural.

"Yeah."

"Anong sabi ni Mr. Reves?" I smirked. Gusto niya na talaga akong ma-kick out sa school na 'to.

"This and that." Sagot ko. Mukha naman siyang nanlumo. Hindi niya kasi narinig yung sagot na gusto niya. May idudugtong pa sana ako pero natigilan ako dahil nakita ko na ang papalapit niyang gwapong mukha.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon