Chapter 29:
Boyfriend
Zaya's POV
Hindi ko alam kung bakit ako natutuwa ngayon. Dahil ba pinayagan ako ni Daddy o dahil magkikita kami ni Gray? Well, of course, it's the former. But the two reasons were related. Bahala na nga.
"You're late." Bungad ni Gray sa akin. Ni hindi pa nga ako nakakaupo.
"Buti nga pumunta pa 'ko. Alam mo bang nagsinungaling pa ako para makapunta dito?" Nagsabi naman ako ng totoo kahit papano. Totoong may vouchers at may date si Hilda.
"Really?"
"Yeah." Hihilahin ko na sana ang upuan para makaupo pero pinigilan naman ako ni Gray.
"Wait!"
"Bakit?" Tumayo ito sa kaniyang upuan at lumapit sa akin.
"You're pretty..." Napairap ako pero napangiti din. Pinaghila niya ako ng upuan at umupo ako doon. Nag-order kami at mabilis namang inilipag sa lamesa namin.
"Alam mo bang sila Angel pala ang may-ari ng restaurant na 'to?"
"Really? Ilan bang vouchers ang binigay sayo?"
"Lima yata."
"Madaya ka. Ang ipapakain mo sakin puro free." Tss. Para namang walang pera ang lalaking 'to. Sila naman ang may-ari ng school.
"Okay then. Next time, I'll bring you in other restaurants. Kahit saan mo pa gusto." Napangisi ako sa naging tugon niya.
"Next time? Sa tingin mo may next time pa?" Para kasing ang lakas ng loob niyang dalhin ako sa ibang restaurant.
"Bakit, wala na ba?"
"It depends, Gray." Tsaka pinagbigyan ko lang siya dahil mapilit siya.
"Depends on what?" Tanong niya na naman.
"Hmm... Circumstances?" May boyfriend ako eh. At si Paris 'yon. Hindi ko siya kayang lokohin. It's just a friendly dinner. Not a date.
"Like?"
"We're just friends, okay? It's not a date." Paglilinaw ko. Baka kasi nakakalimutan niya o kaya ay nang-aasar na naman siya.
"Then, a friendly date. Wala namang masama do'n. Ano bang gusto mong label natin?" Bahagyang bumuka ang bibig ko dahil sa narinig. I'm not assuming anything. Nakakabigla lang.
"What?" Kumuha ako ng pasta gamit ang tinidor at isinubo iyon.
"Para hindi ka na tumanggi kapag niyaya kita..." Napatingin ako sa kaniya habang ngumunguya. "Liligawan na lang kita..."
Halos maibuga ko ang nginunguya kong pasta sa kaniya dahil sa sobrang pagkabigla. Mabilis niya naman akong inabutan ng tubig at nilapitan ako.
"You okay?" Uminom muna ulit ako ng tubig bago siya sinagot.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
