Chapter 77:
Worsen
Gray’s POV
Iba na ang pakiramdam ko noong makita palang si Zaya na titig na titig doon sa t-shirt na nilagay ko sa bag niya. I did that for her to notice me but I think… it triggered her.
Nagulat kaming lahat ng sumigaw si Zaya. Binanggit niya ang Lola niya na parang ito ang kausap niya pero ang totoo ay si Runa iyon.
“Zaya, ano bang nangyayari sayo?” Runa asked out of concern.
“I never killed my mom, Lola! I can’t do that! I will never do that!” Sagot naman sa kaniya ni Zaya kaya mas lalo akong naguluhan.
“Zaya, anong sinasabi mo?” Si Runa ulit na naguguluhan.
“Nababaliw na kasi ‘yan si Zaya.” I then heard Betty laughed. Sinamaan ko siya ng tingin kaya humalukipkip siya at nanahimik.
Nag panic ang lahat sa room namin nang biglang sakalin ni Zaya si Runa. Kahit ako ay nagpanic at nagulat. Si Hilda naman ay pinaalis ang mga kaklase sa room namin.
Kahit anong pilit namin na tanggalin ang kamay ni Zaya kay Runa ay hindi namin magawa. Tila nanggigigil siya rito. And when I shouted that it’s Runa, saka palang siya natauhan. She ran away.
Gusto ko siyang habulin at sundan dahil nag-aalala rin ako sa kaniya pero kailangan ni Runa ng tulong. Isinugod sa ospital si Runa nang bigla siyang mahimatay. Nang tignan ko si Ares ay hindi ito mapakali at kuyom na kuyom ang mga kamay na parang handang manuntok.
“How could she do that to Runa?!” Galit na asik ni Ares. Naiintindihan ko naman ang galit niya.
“Sana intindihin mo rin ang kalagayan ni Zaya.” Tugon ko sa kaniya. “We saw her in their house, right?” Nang pumunta kami sa bahay nila ay naabutan namin siyang tinuturukan ng doktor. May sakit siya.
“Kahit na! She’s insane!” Biglang bumuhos ang galit ko sa kapatid dahil sa tinawag niya kay Zaya. Agad ko siyang kinwelyohan.
“Don’t call her that! Bawiin mo ang sinabi mo!”
“Why would I? What I said is true. She’s crazy!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko na suntokin siya sa mukha. Agad naman kaming nilapitan ni Jun para awatin.
“She’s not like that!”
“Ano ba? Mag-aaway pa kayo eh nagkagulo na kanina. Huwag niyo nang dagdagan.” Ani Jun kaya sinubukan kong kalmahin ang sarili at lumayo kay Ares.
Umupo ako sa isang upuan sa waiting area. Si Ares naman ay kausap ang doktor na tumingin kay Runa.
It’s all my fault. Kung hindi ko siguro nilagay ang t-shirt na ‘yon sa bag niya ay hindi ‘yon mangyayari. Nakita ko ang pagkakataranta ni Hilda kanina nang makita niya kung ano ang hawak ni Zaya kanina. Agad niya ‘yong nilayo kay Zaya at tinapon sa kung saan.
Is that shirt a trigger to her? Did I just triggered her past?
Lumingon ako kay Jun na nasa tabi ko rin at nakaupo.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
