CHAPTER 27

1.4K 94 18
                                        

Chapter 27:
Friends

Runa's POV

"Hindi ba't sinabi kong wag mo na akong susundan?" Si Ares habang may inis sa kaniyang boses at mukha.

Hindi lang noong nakaraan ko sinubukang sundan sila. Ilang beses ko na rin iyong nagawa pero kahit na anong tago ko ay nakikita at nahuhuli pa rin ako ni Ares. At nagagalit siya kapag sinusundan ko siya.

"Pwede kang mag-cut tapos ako hindi?" Katwiran ko.

"Eh 'di mag-cut ka. Buhay mo naman 'yan." Aniya at saka ako tinalikuran. Pinigil ko naman siya at hinawakan sa braso niya.

"Bakit ba gan'yan ka? Akala ko ba magkaibigan tayo?" Naluluha ko nang sabi.

Hindi naman ganito si Ares noon. Close talaga kami sa isa't isa. Kaibigan lang naman talaga. Pero noon 'yon. Hindi na ngayon. Iba na yung nararamdaman ko para sa kaniya.

"Yes, that's exactly my point! We're friends. But you're acting like my freaking girlfriend!" Nagsimula nang mag-unahan ang mga luha ko.

Noong nakaraan lang ay nalaman kong pumunta siya sa isang bar. At ito naman ako... sumunod pa rin sa kaniya. I saw him kissing a girl. It's not just a simple kiss. Malalim at mapusok yon. Sobrang nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang may babae. Magkaibigan lang kami at alam kong wala akong karapatan. Pero masisisi mo ba ako? Nagmamahal lang naman ako...

Hindi siya katulad nila Gino na naghahanap lang ng babae sa school. Mas gusto kasi ni Ares ng matured. So he often go to bars and get girls there.

Hindi ako agad nakapagsalita kaya tumalikod ulit siya at naglakad. Nilakasan ko ang loob ko at ipinagsigawan ang nararamdaman ko.

"Ares, I like you!" I confessed. Nagkaroon naman ako ng pag-asa nang tumigil siya at hinarap ako.

"I like someone else, Runa." Aniya na nagpaguho sakin.

"Like palang naman eh. Ako... Mahal kita." Akala ko ay papansinin niya ako kapag narinig niya ako pero maling-mali ako. Dumiretso lang siya at patuloy na umalis.

Napaluhod na lang ako sa lupa at doon umiyak. Hindi naman siya gan'yan dati. Parang sa isang iglap lang ay nagbago na siya.

Why can't he like me? Ano bang mali sakin?

Pagbalik ko sa room ay nakita agad ako ni Zaya.

"You, okay?" Hindi na ako nakapagsalita at tumango na lang.

***

Gray's POV

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon