DeliaBondilles this is for ya...
____________________________________
Chapter 30:
Ignore
Hilda's POV
Nakikita ko ang galit sa mga mata ni Gray. Hindi rin siya makapaniwala sa sinabi kong may boyfriend na si Zaya.
Hindi kaya may gusto na siya kay Zaya?
"Hindi na babalik 'yon si Gray." Sabi ni Gino kaya napatingin ako sa kaniya.
"Paano mo naman nasabi?"
"Basta. Alam ko lang." Aniya sabay ngisi.
"Alam mo yung mga bagay na 'yan pero hindi mo alam yung mga pinag-aaralan natin." Nasabi ko. Lagi na lang kasi siyang kumokopya sakin. Wala naman siyang natututunan. Kahit pa minsan ay siya na ang nagpepresintang magsulat sa notes ko.
Inakbayan ako ni Gino at naglakad kami pabalik sa table namin. Hindi na ako nagreklamo at naglakad na lang rin.
"Ayos lang 'yon. Nand'yan ka naman eh." Napailing na lang ako sa naging tugon niya. "Ako ba first dance mo? Para kasing unang beses mo pa lang. O kaya naman naiilang ka lang sa gwapo kong mukha."
Hindi rin mayabang ang lalaking 'to.
Habang kasayaw ko kanina si Gino ay hindi ko mapigilan ang matuwa at the same time malungkot. Natutuwa ako dahil first time kong makipagsayaw sa lalaki. At dagdag pa sa tuwa ko na si Gino iyon. Lungkot naman dahil kahit na naka-ayos ako, kahit saan tignan ay hindi kami bagay ni Gino.
"Hilda?" Nag-agat ako ng tingin ng tawagin niya ako.
"Hmm?"
"Ako nga first dance mo?" Hindi magawang lumabas ng mga salita sa bibig ko kaya bahagya na lang akong tumango.
Inalis na ang mga in-order namin kanina at ngayon naman ay hinihintay namin ang para naman sa dessert. Hindi ito ang unang beses ko sa mga ganitong klaseng lugar. Sinasama rin kasi ako minsan nila Sir Dan at Zaya.
Ipinatong ni Gino ang kaniyang siko sa lamesa at pumangalumbaba at tinignan ako.
"Alam mo, dapat ganito ka na lang lagi."
"Alin?" Medyo naguguluhan kong tanong.
"Yung nakikipag-usap sakin. Hindi mo kasi ako pinapansin dati. Pareho kayo ni Zaya. Para kayong alien. Mailap kayo sa tao." Sa lahat naman ng pwedeng ikumpara ay sa alien pa.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
