Chapter 63:
Cry All You Want
Zaya’s POV
His dad killed my mom and they’re still not contented? Ayos lang sana kung ako na lang ang sinaktan nila. Tatanggapin ko ang lahat ng iyon. Pero si mommy… Pinatay nila si mommy.
He explained everything to me. Pinaliwanag niya pero mali. Maling mali ang ginawa nila… lalo na ng daddy niya.
“I fucking trusted you, Paris! I trusted and loved you pero ganito ang sinukli mo sakin? You’re a fucking asshole! You and your dad!” Pinagsusuntok ko siya pero habang patagal nang patagal ay nawawalan ako ng lakas. Those informations I heard are too much to bear. It’s overwhelming. Hindi ko kaya.
Kaya bago pa ako mawala sa sarili ay tumakbo na ako palayo doon. Nakita ko pa si Gray at Carter na nandoon pero wala na akong pakialam. Naglakad ako ng diretso at lahat ng haharang sa daan ko ay hindi makakaligtas sa galit ko.
“Ano ba?! Tumingin ka sa dinadaanan mo!” Dinig ko pang sabi ng isa na nabangga ko pero nagpatuloy ako hanggang sa nasa labas na ako ng school na ‘yon. Pumara agad ako ng taxi at pinahatid ako sa park.
Wala akong ibang lugar na mapuntahan. Gusto kong mapag-isa.
Pagdating ay dumiretso agad ako sa bench na lagi naming inuupuan ni Gray. Malilim dahil sa mga sanga at dahon ng puno. Kaunti lang rin ang tao.
Hindi ko na mapigilan ang umiyak.
All these time, akala ko ay totoo siya. Ang akala ko ay totoo ang lahat ng ‘yon. Pero totoo ng na marami ang namamatay sa akala. Paris just gained my trust to protect his father.
How dare he! He killed my mom.
“Mommy…” I cried. “Nagtiwala ako sa anak ng kriminal, mom. And now I’m broke. Sana sinama mo na lang ako sa’yo, mommy. Sana masaya ako kasama ka…”
Nanatili ako sa park na ‘yon. It’s peaceful but my heart and mind is on havoc. Hanggang sa lumubog ang araw ay nandoon ako at nakaupo. May iilang dumadaan sa harap ko pero wala akong pakialam kung iyak ako ng iyak at paulit-ulit na kinakausap ang sarili ko.
Maya-maya ay nararamdaman ko ang ilang patak ng ulan.
What a nice day, huh?
Tumayo ako at humarap sa puno na katabi lang ng bench na inuupuan ko.
Naalala ko lahat ng mga memorya ko kasama si mommy. We always go out and we’re always happy. Nakakahawa ang mga ngiti niya kaya sa tuwing kasama ko siya ay hindi na rin mawala ang ngiti sa labi ko. Mas lalo naman kaming masaya kapag kasama si daddy.
Pero sinira lang iyong ng isang halimaw.
Napasuntok ako sa katawan ng puno at kasabay no’n ang pagsigaw ko.
“Tangina mo! Mamamatay tao ka! Rot. In. Fucking. Hell.” Bawat salitang binibitawan ko ay siya namang suntok ko sa puno. Namamanhid na yata ang kamay ko sa pagsuntok sa walang kamalay-malay na puno.
I am so numb physically but I feel like dying because of mental and emotional pain. How I wish I could be numb forever.
Two years na ang lumipas magmula noong mawala si mommy. Walang nakuhang ibang ebidensiya kaya sinabi na lang at na-settled ang kaso bilang isang aksidente. I was so mad at that time. Alam ko sa sarili ko na hindi nga ito aksidente. I saw the car running fast towards us. Parang sasalubungin nito ang kotse namin.
Si Lea pa ang pinaghinalaan ko pero ang ama lang pala ni Paris ang may kasalanan.
“And for you, Paris, fuck you too! Manloloko! Gago! Gago ka!” Lumalabo na ang paningin ko dahil sa kanina pang luha na walang pagod na tumutulo. Kasabay pa nito ang ulan na ngayon ay malakas na ring bumubuhos.
Akala ko pa noon ay nilalandi ni Mitch si Paris. Ako pala itong… Damn! Damn it!
Bakit hindi man lang ako nagtaka? Dumating si Paris noong sobrang lungkot ko dahil sa pagkawala ni mommy. He made me set aside the pain I’m feeling and he gave me happiness. Hindi ko man lang naisip na niloloko niya ako. Na kinukuha niya lang ang loob ko para pagtakpan ang kademonyohan ng ama niya.
Napatigil ako sa pagsuntok sa puno nang may pumigil na kamay sa akin. Hinanda ko agad ang kamao ko at mabilis na humarap sa kung sino man tao ang nasa likod ko at saka siya sinuntok. Agad naman itong dumaing dahil sa sakit.
“Fuck!” Hindi ko masyadong makita kung sino ang lalaking nasuntok ko pero isa lang ang alam ko. “Bakit mo ‘ko sinuntok?” Tanong ni Gray habang nakahawak sa pisngi niyang nasuntok ko. Tinignan ko lang siya at hindi sumagot. Basang basa na ako dahil sa ulan at ganoon rin naman siya.
Nagkatinginan kaming dalawa. I would say gross if it just a normal day. Pero nakita ko ang halong emosyon sa mukha at sa mga mata niya. Hindi ako sigurado pero nakikita ko ang galit pero mas nangingibabaw ang lungkot at pag-aalala.
Dumapo ang kamay nito sa pisngi ko at marahang hinaplos ito gamit ang hinlalaki niya. Nanatili naman akong nakatingin sa kaniya.
“I am going to use my first wish…” Agad na tumaas ang kilay ko. How can he say that in this freaking situation?!
Dahil sa inis ko ay agad kong hinawi ang kamay niya na nasa pisngi ko at sinuntok ulit siya. Hindi niya iyon inasahan kaya hindi siya nakailag kung kaya ay natumba ito. Tatayo sana siya pero agad ko siyang tinulak pahiga at kinubabawan siya. Nakahawak ang isang kamay ko sa kwelyo niya at ang isa naman ay nakataas at nakaamba para suntukin ulit siya.
“Go ahead and hit me… If that can make you feel better, then hit me.” Aniya na hindi man lang nasindak. Wala naman siyang ginawang masama sa akin kaya hindi ko dapat siya saktan. Dahan-dahan akong tumayo at nilahad ang kamay ko para tulungan siya. Agad niya namang kinuha ‘yon kaya napadaing ako sa sakit.
“Argh!” Ngayon ko lang naramdaman ang sugat sa kamay ko. Hindi ko na rin iyon magalaw ng mabuti. Sa tingin ko ay nabalian ako ng buto sa kamay. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala si Gray sa harap ko.
“Bakit ba lagi mo na lang sinasaktan ang sarili mo?” Tanong niya na hindi ko sinagot. Tinatamad akong magsalita. Narinig ko ang pag buntong-hininga nito. “Hindi ka pwedeng tumanggi sa wish ko kaya dapat tuparin mo. May usapan tayo.”
Tumingin ako sa kaniya na may inis sa aking mukha.
“Chill. Easy lang.” Anito dahil alam niyang susuntokin ko ulit siya kapag nagkataon. “Ang unang wish ko… hayaan mong yakapin kita.” Hindi pa ako nakakasagot ay hinila niya na ako palapit sa kaniya at niyakap ako.
Ngayon ko lang naramdaman ang lamig na mula sa malakas na ulan at malamig na ihip ng hangin. Ngayon ko lang rin namalayan na madilim na pala. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa kanina pang pagsuntok. Parang gusto ko na lang pumikit at makalimot.
Ilang saglit ay hinaplos niya ang basa ko nang buhok.
“Alam kong nasasaktan ka at gusto mong mapag-isa pero hindi kita pwedeng hayaan na mag-isa. I can’t let you because I know that you’re going to hurt yourself again.” Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa kaniya habang yakap pa rin ako at hinihimas ang buhok ko. “You said that brats don’t cry. But you’re just a mortal. A mortal that can feel pain. And a mortal that cries. Cry all you want, Zaya. Cry all you want…”
Pagkasabi niya nito ay bumuhos na rin ang luha ko kasabay ng pagluha rin ng mga ulap. Akala ko ay naiyak ko na lahat simula kanina. Pero hindi pa pala. Kahit siguro umiyak ako ng dugo ay nand’yan pa rin ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Novela JuvenilSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
