Chapter 24:
I Promise
Zaya's POV
Nagsimula kaming magsagot sa pagkahaba-habang quiz. Quiz ba 'to? Paano pa kaya sa grading test? 500?
Sinubukan kong itaas ang kanang kamay ko para gamiting pangsagot. Pero hindi talaga kaya wala na akong nagawa kun'di gamitin ang kaliwang kamay ko. Buti at puro multiple choice. Hindi ako masyadong mahihirapan.
Mabilis ko lang natapos ang quiz. Pasaway ako pero maayos naman akong mag-aral. Sobrang sakit na din ng katawan ko. Gusto ko nang umuwi pero malilintikan ako kapag ginawa ko yon. Ano na lang ang sasabihin sakin ni Dad pag-uwi ko?
Paglabas ni Mrs. Aguila ay inayos ko agad ang gamit ko. Absent na kung absent.
Tatayo pa lang sana ako pero biglang may humila sa kanan kong kamay.
"Fu- Sh- P-Please, let go!" Naibulalas ko. Sa lahat naman ng hihilahin bakit yung may bali pa? Galit akong tumingin sa may gawa no'n. Pero hindi ko inaasahan na isang nag-aalalang mukha ang makikita ko. Shit! Yung pasa ko! Yumuko naman ako agad.
"Zaya..." Si Gray.
"P-Please, let go! Masakit!" Hindi ko na napigilan ang maglakas ng boses. Nakaagaw naman iyon ng atensyon ng iba.
"Gray, bitawan mo nga si Zaya!" Dinig ko kay Runa. Napansin niya kasi kanina na may bali ako. Mabuti naman at binitawan niya na ako.
"The three of you... Hilda, Runa and Zaya..." Nakayuko pa rin ako dahil ayaw kong ipakita ang may pasa at sugat kong mukha. Pero narinig ko ang boses mula kay Gino. Parang bigla akong kinabahan nang tawagin niya ang pangalan naming tatlo. "You owe us an explanation."
Shit! Hindi kaya...
"Mamaya niyo na sila kausapin. Dalhin niyo muna sa clinic. Ako na ang bahala dito." Sabi ni Ares. Wala namang sumagot kaya naglakad na kami palabas kasama sila Runa, Hilda, Jun, Gino, Gray, at ako.
"Ako na ang magdadala ng gamit mo." Hindi pa ako nakakasagot ay kinuha niya na ang bag ko at siya ang nagdala no'n. "Are you okay?" I don't know if I'm hearing his tone correctly. But base on this, he's worried about me.
Mukhang alam nila ang nangyari.
Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na kami sa clinic. Inasikaso naman agad kaming tatlo.
Dumating ang nurse na may dalang mga panglinis at gamot para sa sugat.
"We'll take care of this three." Sabi ni Gray sa nurse. Tumango lang naman ito at iniwan kami.
"Ano ba kasing nangyari? Bakit nasa labas kayo? Nag-cut kayo? Saan kayo dumaan? Bakit-" Sunod-sunod na tanong ni Gino. Pinutol naman ni Runa ang pagsasalita nito.
"Pwede ba? Isa-isa lang."
"Kasi naman... Sige na nga mamaya na."
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
TienerfictieSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
