CHAPTER 43

1.1K 79 7
                                        

Chapter 43:
Date


Zaya’s POV

“Is that Hilda?” Hindi makapaniwalang tanong ni Runa nang tinuro ko ang direksiyon kung nasaan si Hilda.

“Oo. Inayusan ko.”

“Mas bagay naman kasi sa inyo yung nakaayos. Akala ko talaga ay nerd kayong dalawa.”

I’m a brat transformed as a nerd. Masasabi ko na mahirap rin ang maging nerd. Ang mga mata ng bullies ay laging nasa iyo. Naranasan ko yung mga naranasan ng mga binu-bully ko noon.

“Si Hilda lang ang nerd. Ako hindi.” Alam kong magtatanong siya kaya hinila ko na siya papunta kay Hilda na nakatayo lang sa isang gilid. “Nandito ka lang pala. Kanina ka pa naming hinahanap.” Tinawag ko ang pangalan niya nang hindi niya ako sinagot. “Hilda!”

Bahagya pa siyang napaigtad dahil sa boses ko. Hindi niya man lang namalayan na nakalapit na kami ni Runa sa kaniya.

“May problema ba, Hilda?” Tanong ni Runa.

“Wala naman.”

“Eh di tara na. Magpalit na tayo.”

Sumunod kami kay Runa dala ang mga pampalit namin. Malaki ang bahay nila Gino. Marami rin ang nakikita kong maids nila. Pagpasok naming sa banyo ay biglang nag-ring ang cellphone ko.

Si Paris…

Hello, babe?” Si Paris mula sa kabilang linya. “Where are you? Kanina pa ako tumatawag pero hindi mo sinasagot ang phone mo.” Mariin akong napapikit. Hindi ko siguro narinig dahil sa tugtog kanina.

“Sorry, babe. Nasa party kasi ako ng kaklase ko.”

“I see…”

“Bakit? May problema ba?”

“Wala naman. Gusto lang sana kitang ayain lumabas. It’s been a while. Pero d’yan ka na lang muna. Pwede pa naman bukas. May kasama ka ba?”

“Oo, si Carter. Wag kang mag-alala. Ayos lang ako.”

“Okay, then. I love you.” I smiled.

“I love you too.” Then I hang up the phone. Tumingin naman si Runa sa akin nang may halong ngisi. “What?”

“Nakakakilig lang kasi kayo. Kaso hindi mo naman pinapakita sa amin ang boyfriend mo.” Si Runa na ngayon ay nakapagpalit na. Maganda ang katawan ni Runa. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ayaw sa kaniya ni Ares.

“Sa susunod ko na siya ipapakilala sa inyo.”

“Sige na, magbihis ka na.”

Sinuot ko ang isang itim na two-piece at pinatungan ito ng sundress. Gano’n rin ang kay Hilda. Paglabas naming ay dumiretso kami agad sa may pool. Hindi ko alam kung anong meron pero kitang-kita ko ang tingin ng mga tao sa amin.

“Bilisan na nating maglakad. Nakatingin sila sa atin.” Sabi ni Hilda sa mababang boses. Sinang-ayonan ko naman ito.


***


Gino’s POV

I don’t know if it’s just a coincidence when Ailee said how much I hate accessories. Hindi niya naman kasi kailangang sabihin ‘yon lalo na at sa harap pa ni Hilda. Iisipin niya na nagsinungaling ako sa kaniya. Pero yung sinabi ko nang matanggap ko ang regalo niya, totoo ‘yon.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon