CHAPTER 84

854 68 18
                                        

Chapter 84:
Transferee


Gray’s POV

It’s been a week already. Nandito pa rin si Hilda kaya sa tingin ko ay hindi pa rin magaling si Zaya. Gusto kong gumaling na siya pero ayaw ko namang umalis siya. Ni hindi nga ako sigurado kung narinig niya ang mga sinabi ko sa kaniya sa loob ng fifteen minutes na ‘yon. Hindi rin ako sigurado kung narinig ni Zaya ang huli kong sinabi sa kaniya bago ako hilahin ng mga guards nila.

Carter is merciless. Kung alam ko lang na hindi niya ako bibigyan ng kahit lima o sampung segundong extension sa fifteen minutes, sana ay sinabi ko na na mahal ko siya. Sana iyon ang una kong sinabi. Tsk. Fucking regrets!

Malungkot na nga ako ngayon dahil wala pa rin si Zaya pero hindi ko alam kung nananadya ba ang mga kaharap ko ngayon o nang-aasar lang sila.

Ares and Runa are so sweet together. Minsan ay tahimik lang talaga ang kapatid ko, pero pagdating kay Runa, bigla siyang dumadaldal. Siyempre, madaldal rin ang girlfriend eh.

Si Jun at Gab naman ay may malalaking ngiti sa mga labi nila habang nag-uusap ng kung ano. Hindi ko pinakinggan at wala akong balak. Baka mamaya ay mas lalo kong ma-miss si Zaya.

At ito pang isa. Sobrang landi. Umamin lang na mahal niya si Hilda, akala mo sila na kung umasta. Halata namang naiilang si Hilda sa kaniya. Pero alam ko, maayos na sila. Bitter pa rin si Ailee lalo na kapag nagkakasalubong ang landas nilang tatlo. Ang landi rin  naman kasi ni Gino.

At ako? Wala. Single!

“Fuck! Ang lalandi niyo!” Nasabi ko na lang habang masama ang tingin sa kanila. Si Gino naman ay nagawa pa akong ngisian.

“Inggit ka lang eh.” Tugon niya at halatang nang-aasar pa.

“Ang tagal naman kasing dumating ni Zaya. Nagte-text ako sa kaniya araw-araw pero hindi siya nagre-reply. Ayos na ba siya, Hilda?” Ani Runa. Halata nga na nami-miss niya ang kaibigan lalo na at hindi gano’n kaganda ang huling kita nila. And there’s no one to blame but me.

“Nagte-therapy pa rin siya hanggang ngayon. Mabuti nga at napilit ng daddy niya at ng kuya niya.” Tugon naman ni Hilda. So she’s taking therapy? I hope she’s doing well.

“Kailan naman siya babalik dito?” Tanong ulit ni Runa pero ako na ang sumagot ngayon.

“Hindi na siya babalik.” May halong pait kong sabi.

“What? Totoo ba ‘yon?”

“Oo, Runa. Kaya ikaw Gino…” Baling ko sa kaniya. “Huwag kang masyadong masaya d’yan. Iiyak ka rin kasi aalis na sila.” Biglang nawala ang ngiti ni Gino at seryosong tumingin kay Hilda.

“Totoo ba?”

“Uhm… Oo. Magtatrabaho pa rin ako para kay Zaya kaya kailangan kong sumama sa kaniya sa New York. Doon na yata kami kapag naka-recover na siya.” Mahihimigan ang lungkot sa boses ni Hilda. Kung kailan naman maayos na sila ni Gino, saka pa sila aalis.

“Bakit hindi mo sinabi agad? Sana naihanda ko ang puso ko.” Sabi ni Gino at humawak pa sa dibdib niya kung nasaan ang puso. Tangina! Ang landi! Ang arte!

“Buti nga sayo. Huwag ka kasing mang-aasar lalo na at wala ako sa mood. Nadamay ka tuloy.” Sabi ko pa sa kaniya at humigop sa frappe ko. Tss… Ito na lang ang kaya kong gawin para hindi siya masyadong ma-miss. Pero kahit sumakit pa yata ang lalamunan ko kakainom ng chocolate frappe, mas lalo ko pa siyang nami-miss.

“Damn you, Gray! Huwag mo ‘kong idamay sa pagiging bitter mo!” Nginisian ko lang si Gino at hindi na siya pinansin. “Huwag ka nang sumama sa kanila, Hilda. Nandito naman ako eh. Paano na ako mabubuhay kung wala ka? Mag-resign ka na sa kanila tapos dalhin mo ang mga gamit mo sa amin. Doon ka na lang tumira. Kahit hindi ka magtrabaho sa bahay namin, suswelduhan kita.”

Halos mabulunan ako sa iniinom ko dahil sa pinagsasabi ni Gino kay Hilda. Baliw na talaga siya.

“Huh? H-Hindi ‘yon pwede.”

“Bakit naman? Mahal naman kita, ah.”

“Oo, pero hindi ka naman niya mahal.” Hindi ko alam kung ang pinaringgan ko ay si Gino. Para kasing pinatamaan ko rin ang sarili ko. Damn! Kailan pa ako naging bitter?

“Shut up, Gray.”

“What the fuck ever.”

“Tama na ang kalandian. Kawawa si Gray. Baka magbigti na ‘yan mamaya.” Sinamaan ko ng tingin si Jun. Isa pa ‘to eh. Akala mo naman pwedeng-pwede na siyang lumandi kay Gab. Mas matindi pa kaya sa CCTV ang mata ni Gino. Kaya ang ending, didistansiya siya kay Gab.

“Shut up, Jun. Maghihiwalay rin naman kayo ni Gab eh. Baka mamaya o bukas ay maghiwalay na rin kayo. Bakit? Kasi walang forever.”

Damn you, self! Why so bitter?

“Kuya Gray naman…” Hindi ko pinansin ang sinabi ni Gab at bumaling kila Ares at Runa.

“Maghihiwalay rin kayong dalawa. At ikaw…” Turo ko kay Gino. “Mag-ingat ka at huwag kang masyadong magpakasaya. Hindi ka sasagutin niyan ni Hilda. Ibibigay ko kasi sa kaniya ang listahan ng mga ex mo. Hindi magiging kayo!”

“Fuck you, Gray! Baka magdilang demonyo ‘yan. Tara na, Hilda.” Ani Gino at hinila si Hilda palabas ng school cafeteria. Nakatanggap naman ako ng masama at matalim na tingin sa apat na natira. Nagkibit-balikat lang ako at umalis na rin doon.

What’s with me today? Bakit pakiramdam ko ay sobrang pait ng lumalabas sa bibig ko? Nadamay ko pa ang mga kaibigan ko. Nababaliw na yata talaga ako.

Zaya, kasi… Bumalik ka na sa akin.

Tss… She’s never yours, Gray!

Pabalik na ako sa room dahil malapit nang magsimula ang klase namin. Dinig ko naman ang usap-usapan ng ilang schoolmates ko tungkol daw sa isang transferee.

Bigla kong naalala si Zaya. Transferee rin pala siya dito noon. Pero kahit sinong transferee pa ang dumating... walang-wala sila kay Zaya.

I don’t know why I feel thankful that Zaya is a brat. Kung hindi kasi masama ang ugali niya ay hindi siya maki-kick out sa dati niyang school. At siyempre, hindi siya mapupunta dito. Thanks to her brattiness.

Medyo tahimik na ang room pagkapasok ko. Biglang natuon ang mga mata at atensiyon ko sa katabing upuan ko. May babae roon na nakaupo. Dumaloy ang kasiyahan sa puso ko. God! I missed her so much.

“Zaya?” Sabi ko agad pagkalapit ko sa upuan niya. Pero bigla akong nanlumo nang makita na ibang babae pala ‘yon.That girl smiled at me. Ako naman ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. Akala ko si Zaya na. Akala ko bumalik na siya. Hindi pa pala.

At sino naman ‘tong babaeng ‘to? Sa upuan pa talaga ng mahal ko napili niyang umupo.

“Mr. Castriel, please take your seat.” Anang lecturer kaya wala akong nagawa kun’di umupo na lang sa upuan ko.

Habang nagle-lecture, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi tumingin sa babae. Sobrang pamilyar ng mukha niya sa akin. Hindi ko nga lang alam kung saan ko nakita. Habang mas tumatagal ay nangingibabaw ang kuryosidad ko tungkol sa babaeng katabi ko. Hindi siya pwedeng umupo doon dahil upuan ‘yon ni Zaya.

“Hey, are you a transferee?” Mahina kong tanong sa kaniya at kinalabit pa para lumingon siya sa akin. Pinakatitigan ko ang mukha niya. Her eyes, nose and lips. They are all familiar to me.

“Yes, I’m a transferee. It’s nice seeing you again, Zi…”

My eyes widen in shock. Akala ko ay hindi ko na siya makikita ulit. Only one person call me by that name.

“Alexis…”


That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon