Chapter 50:
Fears
Gabrielle’s POV
“Her name starts with ‘R’.”
Inamin ni Jun na nagkagusto nga siya kay Rica. Nagkagusto o may gusto pa rin? Sa letter R daw nagsisimula ang pangalan ng babaeng gusto niya. How I wish na wala na ang “Gab”sa pangalan ko. Rielle na lang sana.
Tsk. I sound desperate.
Rica and Jun looks perfect together. Hindi na ako magtataka kung maging sila talaga.
“Gab, ano ba ‘yan? Tulala ka na naman.” Dinig kong sabi ni Alice pero hindi ko siya nilingon. Nandito kami sa library para gawin ang assignment namin. Kanina pa kami dito pero kahit tuldok ay wala pa akong nasusulat. “Gab!” Ngayon ay napatingin na ako dahil sa malakas na pagsasalita niya.
“Bakit?”
“Hindi ka ba magsasagot? Patapos na ako tapos ikaw, wala ka pang sulat. Isusumbong kita kay Jun.” Aniya na may halong pang-aasar. Kung nasa mood lang siguro ako ay gagatungan ko si Alice.
“As if he cares…” Tamad kongtugon at pinilit na magsagot.
“Why wouldn’t I care?” Napatigil ako sa pagsusulat dahil sa boses ni Jun sa likod ko. Akala ko ay guni-guni ko lang kaya lumingon ako dito. “I do care, Rielle…”
“Jun.”
“Okay, exit na muna ako. Hintayin na lang kita sa room, Gab.” Si Alice habang inililigpit ang mga gamit niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang ito sa akin. Naiwan kami ni Jun.
“Tapos na si Alice pero ikaw wala pang nagagawa.”
“Tinatamad ako.” Sabi ko na lang at pinilit na magbasa at magsagot kahit sa totoo lang ay wala akong maintindihan lalo na at nasa tabi ko si Jun.
“Rielle, may problema ba?” Mababakasan ang pag-aalala sa boses nito pero hindi ko ito pinansin at nanatili lang ang tingin sa notebook ko.
“Wala.”
“I know you, Rielle. Come on, spill it. Anong problema?”
Napakagat ako sa labi ko at huminga muna ng malalim bago ako sumagot.
“I like you.” Sabi ko ng hindi siya tinitignan. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para sabihin ‘yon.
“W-What did you say?” Alam kong nabigla din siya sa sinabi ko pero wala na akong balak na ulitin ‘yon. Sa tingin ko naman ay narinig niyang mabuti ang sinabi ko.
“Kung anong narinig mo, ‘yon na ‘yon.” Huling sabi ko at nagmamadaling kinuha ang mga gamit ko para makaalis na. Tutulungan naman siguro ako ni Alice sa assignment namin lalo na at wala akong sagot kahit isa. Pero pagkatayo na pagkatayo ko ay napaupo ulit ako dahil sa paghila sa akin ni Jun. Nalaglag tuloy ang mga gamit na dala ko.
“Please, Rielle, ulitin mo yung sinabi mo. You like me?” Napaawang ang labi ko. Hindi ko alam kung kaya ko pang ulitin ‘yon. Hindi na ako nakapagsalita at tumango na lang. “Since when?”
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
JugendliteraturSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
