CHAPTER 100

795 28 25
                                        

Chapter 100:
Suffer

Zaya’s POV

Pagkauwi sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Umamin na sa akin si Gray ng nararamdaman niya para sa akin. Napangiti ako nang maalala ang kaninang nangyari. Totoo ang narinig ko. He likes me!

Pero ang bagay rin na iyan ang ikinakatakot ko. Gusto niya ako. Naalala ko pang sinabi niya noon na gagawin niya ang lahat para sa akin. Hindi kaya tama si Alexis? Na kayang gawin ni Gray ang lahat kahit pa dumihan niya ang kamay niya para lang sa akin? Hindi ‘yon pwede.

Kinabukasan ay ganoon pa rin naman. Usap-usapan pa rin ang tungkol sa isyu naming tatlo nila Gray at Paris.

“Grabe ang mga nangyari ngayong school year, ah? Ang daming nagbago. Ang daming nangyari.” Anas ni Gino na tila inaalala ang mga nangyari noon.

“Kaya nga eh. May dalawang transferee. Ang isa ay nagpanggap na nerd. Cutting classes. Friendships. Revelations. Hardships. And of course, love.” Tugon naman ni Runa.

“Kung hindi ba ako na-transfer dito, mangyayari kaya ang lahat ng ‘yan?” Wala sa sariling tanong ko. Minsan ay naiisip ko rin kung ganoon nga ang mangyayari. Hindi ako dito lumipat kun’di sa probinsiya. Hindi ko maiisip kung ano ang mangyayari sa akin.

“Sa tingin ko, hindi. Nahanap ko ang tunay na kaibigan ko nang dumating kayo.” At saka ngumiti si Runa.

“Hindi ko makikilala si Hilda kung hindi kayo nag-transfer.” Ani naman ni Gino na nakatingin pa talaga kay Hilda at nakangiti.

“At hindi ko rin makikilala si Gray kung sa ibang school ako napunta.”

Parang sobrang bilis lang ng panahon. Second half ng first semester kami dumating dito at ngayon ay unang linggo na ng Disyembre. Marami nga talagang nangyari na kailanman ay hindi ko inasahan.

Nang uwian ay dumiretso ulit ako kila Gray. Pagbaba ko sa sasakyan namin ay naabutan ko siyang nakaupo sa labas ng bahay nila. Nang mapansin ako ay napalingon siya at tumayo. Agad akong napangiti. Pakiramdam ko ay hinihintay niya talaga ang pagdating ko.

“Mukhang masaya ka ngayon, ah?” Bungad ko sa kaniya pagkalapit ko.

“Ewan nga eh. Kapag nakikita kita, suma-Zaya ako.” Nakangiting banat niya pero ngumuso ako para pigilan ang pagsilay ng ngiti.

“Gamit na ‘yan eh.”

“Kinilig ka naman. Ayos na ‘yon.” Umiling na lang ako at sumunod na sa pagpasok sa bahay nila. At oo, inaamin ko na natutuwa nga ako sa sinabi niya. Hindi ko pa ito naramdaman noon kahit kay Paris pa.

Pinaliwanag ko ulit sa kaniya ang mga naging lessons namin ngayong araw. Katulad ng mga ginagawa ko noong nakaraan ay nagbigay ulit ako ng sasagutan niya.

“Pahirap ‘to ng pahirap, ah? Tulungan mo ‘ko.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Ngayon lang siya nagpatulong sa akin na magpasagot. “Dito ka sa tabi ko tapos turuan mo ‘ko.”

“Okay. Tignan mong mabuti kung paano ko ito iso-solve.” Nagsagot ako ng isang number habang nagpapaliwanag na rin para mas maintindihan niya. Nang matapos ay tumingin ako kay Gray. Nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang paningin namin. “Naintindihan mo ba ang sinabi ko? Gray?”

“Huh?” Ilang beses siyang napakurap na parang sobrang tagal niyang natulala.

“Hindi mo naman pinapakinggan ang sinasabi ko.”

“Ang ganda mo kasi eh.”

“Ewan ko sayo.”

At dahil hindi nga siya nakinig ay nagpaliwanag ako ulit. Maya’t maya ko siyang tinitignan dahil baka mamaya ay tulala na naman siya.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon