Chapter 23:
For Real
Zaya's POV
"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya. Katulad ko ay mukhang nag-cut din. Hindi niya naman ako sinagot at lumapit lang sa akin at saka pinantayan ang mukha ko.
"Tsk. Tsk. Tsk. Ang pangit mo na." Sinamaan ko siya ng tingin. Tsk. "Akala ko ba behave na?"
"Kaya nga. Hindi naman ako yung nauna."
"I'm actually here to warn you. I heard that Mitch has a cousin here. Be careful. Lalo na ngayon na nilumpo mo si Mitch."
"Sino?" Pero kibit-balikat lang ang isinagot nito.
Pinsan ni Mitch? Sino naman kaya? Mukhang binabalakan nila ako ah.
Ilang saglit lang ay nabigla ako dahil sa ginawa ni Carter. Bigla niya na lang akong binuhat. Ang tiyan ko ay nasa balikat niya at ang mukha ko ay nakaharap sa likuran niya.
"Put me down!" Ang sakit na nga ng braso ko, mukhang dadagdagan pa yata nito. Pero hindi siya nakinig at nagsimulang maglakad.
"Saan mo siya dadalhin?" Dinig kong tanong ni Runa.
"If you want her, then you should come with me. You're injured, too."
Shit naman! Anong oras na ba? Kapag dumating si Mrs. Aguila, siguradong mapapansin niya na wala kami. Nandoon pa naman sa loob ang mga gamit namin.
"Carter, I said put me down." Mariin kong sabi. "I can consume my last remaining strength just to punch you."
"Hindi mo 'ko matatakot. Bakit kasi nag-cut ka pa?" Aniya, mabuti naman at binaba din ako.
"Just... We need to go back. I'll just call you later." Sabi ko at tinalikuran siya. Hinila ko naman si Runa pero napansin kong medyo malayo sa amin si Hilda. Natanggal pala yung salamin niya. "Runa, kunin mo nga yung salamin ni Hilda." Hindi siya sa akin makatingin ng diretso pero sumunod naman siya. Nakuha niya ang salamin ni Hilda pero basag na ito. Tsk.
Naglakad na kaming tatlo pabalik. Nakaalalay si Runa kay Hilda. Wala na kasing pakinabang ang salamin niya. Nandito na naman kami sa may pader.
"Zaya..." Sumunod pala sa amin si Carter.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Novela JuvenilSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
