CHAPTER 69

1.2K 93 27
                                        

Chapter 69:
Finally


Gino’s POV

Hindi ko muna inisip si Hilda. Kailangan ko munang kausapin ang kapatid ko kaya pagdating sa bahay ay agad akong nagtungo sa kwarto niya. Kumatok muna ako ng tatlong beses at nang walang sumagot ay binuksan ko na lang ito. Mabuti at hindi naka-lock. Naabutan kong nakatalukbong si Gab ng kumot. Naririnig ko rin ang munti niyang hikbi.

I just want to be a good brother but I think I went overboard. Sumobra yata ako sa pagiging protective sa kaniya kaya hindi ko naisip yung makapagpapasaya sa kaniya.

Umupo ako sa gilid ng kama. Tumigil ito sa pag-iyak pero hindi pa rin inalis ang kumot na nakatakip sa buong katawan niya.

“Gabby baby, I know you’re still awake. It’s okay if you don’t answer me but just listen.” Panimula ko. “You know, I just want to protect you. Manloloko kasi ang mga lalaki and that was base on my experience. But I realized that we’re all different. There are different types of guys; the good boy type and the manloloko type. At si Jun… sa good boy type ‘yon. Papayagan ko na ang relasyon niyo-” Halos magulat ako nang bigla lang siyang bumangon.

“Talaga, kuya?” Tanong nito. Halatang natuwa siya sa sinabi ko.

“Oo, basta wag na wag ka lang niya lolokohin at paiiyakin. Okay na ‘ko do’n.”

“Thank you, kuya!” Aniya at mahigpit akong niyakap. Niyakap ko naman siya pabalik.

“Gusto mo talaga si Jun, ‘no?”

“Oo naman, kuya. Sobra.” Tugon niya kasabay ng pagbitaw niya sa akin.

Bigla kong naisip ang problema ko. Sigurado akong nalilito lang ako sa hindi malamang dahilan. Bakit ba kasi nararamdaman ko ‘to kay Hilda? Iba naman kasi ‘yong kapag kasama ko si Ailee. Hindi ko maintindihan.

I’m a playboy, I know. That’s a given. Pero noon ‘yon! I didn’t realized when, I just woke up and I decided to change for the better.

Pero kanino nga ba ako nagbago? Para ba sa sarili ko… O para sa taong nagpapalito ngayon sakin?

Paano kung na fall out love ka? O kaya si Jun? Anong gagawin mo?” Sobrang nalilito na ako. Kahit naman sabihin ko sa puso ko na hindi dapat bumilis ang tibok niya sa tuwing kaharap si Hilda, ayaw naman ng puso kong makinig. Kung pwede lang makipagpalitan ng puso, gagawin ko na. “Ganito na lang. May nililigawan ang kaibigan ng kaibigan ko. First love at matagal ng may gusto ang kaibigan ng kaibigan ko sa isang babae. Pero nalilito yung kaibigan ng kaibigan ko dahil sa pagdating ng isa pang babae. Pakiramdam ng kaibigan ng kaibigan ko, nagkakagusto na siya sa bagong dating na babae. Minsan, nakakalimutan niya na yung first love niya. Nagtatanong sa akin yung kaibigan ng kaibigan ko. Hindi ko naman alam ang isasagot sa kaniya. Hindi niya daw alam ang gagawin.” Kitang-kita ko ang pagkalukot ng mukha ng kapatid ko.

“Ano ba ‘yan, kuya? Parang tongue twister naman.” Aniya at napakamot pa ng ulo. Mas magiging madaling intindihin ‘yon kung sinabi ko ang pangalan ko, ayaw ko namang malaman niya kaya kailangan ko ‘yong gawin. “Sabihin mo na lang sa kaibigan ng kaibigan mo na sundin niya kung sino ang tinitibok ng puso niya. Pero hindi ba dapat, ikaw ang makasagot, no’n?”

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon