Chapter 55:
DistractZaya’s POV
Bumili na ng movie tickets si Gray para sa aming dalawa at gano’n rin naman ang mga kaibigan namin. Pare-pareho lang naman ang panonoorin namin kaya napagdesisyunan namin na magkita-kita na lang sa mall.
Naisip ko ang sinabi ni Runa. I should invite Paris to meet my friends but his line is always busy. Pero kahit na gano’n ay sinubukan ko parin at sa pagkakataong ito ay sinagot niya na.
“Paris?”
“Babe, I’m sorry. Naka-silent kasi ang phone ko.” Tumango ako kahit alam ko namang hindi niya nakikita.
“Akala ko kung ano na ang nangyari sayo.” Ilang araw kong hindi na contact si Paris at nag-alala agad ako. Hindi naman kasi siya ganito dati. Isang tawag ko pa lang ay sumasagot na agad siya.
“No, babe. Ayos lang ako. What about you?”
“Ayos lang rin. Tumawag ako kasi aalis kami mamaya ng mga friends ko para sa project namin. Sumama ka, please?” Tanong ko. Hindi na rin kasi kami gano’n kadalas na lumalabas. Gusto ko ring makilala niya ang mga naging kaibigan ko.
“Uh… Zaya, sorry. Busy kasi ako eh.” Again… Lagi na lang niyang rason ‘yan kapag tumawag ako at hindi niya nasagot o di naman kaya ay katulad na lang ngayon na ako na mismo ang nagyaya sa kaniya.
“Is this about the coming sports fest?”
“Yeah.”
“Mamaya pa naman na gabi eh. Don’t tell me that you’re still going to practice? Lagi naman kayong nagpa-practice, di ba?”
“If it’s later night, I still can’t make it. You know my friend, Ralph? Birthday niya kasi at nangako na ako sa kaniya. Hindi ko naman matanggihan.” Bigla akong nakaramdam ng inis. Parang mas importante pa ang kaibigan niya. Kilala ko naman ang kaibigan niyang iyon at naiintindihan ko naman pero hindi ko lang maiwasang mainis.
“Gano’n ba?”
“Babe. I’m sorry. Babawi ako next time. I promise.”
“Okay. I understand. Ingat ka papunta kila Ralph.”
“You too, babe. I love you.” Sasagot sana ako sa kaniya pero bigla na lang naputol ang tawag.
Hindi ko na lang muna pinansin at nag-ayos na. Pagkatapos ko ay nakahanda na rin si Hilda. Napangiti ako nang makita na maayos na siya magdamit ngayon. Nagpahatid kami sa driver papunta sa mall. Paglabas ng kotse ay natanaw ko agad sila Gray.
“Were you always late?” Bungad sa amin ni Gray.
“You’re just early.” Nasabi ko na lang dahil nand’yan pa rin ang inis sa akin dahil kanina. Inakbayan ako ni Gray habang papasok sa mall. Napatingin ako sa kaniya dahil sa pagtataka pero nasa malayo naman ang tingin nito. Hindi ko na gustong dagdagan ang inis ko kaya hinayaan ko na lang siya.
Nasa loob na kami ng sinehan nang napansin ko ang kanina pang pagte-text ni Gray. Tahimik lang akong nanonood para mas maintindihan ko ang istorya pero hindi ako makanood ng maayos dahil kay Gray kaya pinitik ko ang tainga niya na may silver earring. Napaiktad pa ito sa kaniyang upuan dahil sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...