CHAPTER 62

1.1K 79 10
                                    

Chapter 62:
Asshole

Zaya’s POV

Shock. Hate. Betrayed.

These are all bullshits!

Anong relasyon ni Paris at Mitch? At ano ang narinig ko? Totoo ba ang lahat ng ‘yon? That can’t be, right? Hindi ako kayang lokohin ni Paris.

Pero sabi ni Mitch, two years. Two years niya na ba akong niloloko? At ano ‘yon? His dad caused my mother’s death…

Nanggagalaiti ako sa galit. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko na lang sumugod sa kanila.

And that’s what I did.

Nagpakita ako sa kanila at para naman silang nakakita ng multo.

“Zaya!” Sabay na sabi ni Mitch at Paris.

“What the hell, Paris? Ano ‘yong mga narinig ko?” Gustong-gusto ko silang saktan pero pinigilan ko ang galit na nararamdaman ko. Kailangan kong malaman ang lahat. Lahat lahat…

Lumapit sa akin si Paris at akmang hahawakan ako pero umatras ako. All these time, I trusted him. Pero sinayang niya ‘yon.

“P-Please, Zaya… L-Let me explain. Let me explain, please?” Kumuyom ang mga kamay ko. Isang kalabit na lang at pakiramdam ko ay makakapatay ako.

***


Paris’ POV

Pagpasok ko pa lang sa bahay ay agad na bumugad sa akin si Daddy. Pabalik-balik ito ng lakad at mukhang namumutla.

“Dad, is there a problem? Anong nangyayari sayo?” I asked curiously. My dad always acts cool and sometimes serious.

Siya na lang ang kasama namin ng kuya ko dahil wala na ang mommy namin. She died while giving birth to me.

Parang walang narinig si Dad at patuloy lang ito sa ginagawa kaya nilapitan ko na siya. Hinawakan ko ang braso nito para pigilan siya sa paglalakad. Halos mapatalon pa nga ito nang hawakan ko siya.

It’s strange…

“Dad, anong nangyayari sayo?” Pag-uulit ko. Nabigla ako nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat at saka ito ilang beses na luminga sa likod ko na parang ayaw niyang may makakita o makarinig sa aming dalawa.

“I-I d-didn’t do it! I- d-didn’t intend to! It just happened. She will not die.” Agad na nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi nito.

“Who will not die? Ano bang sinasabi mo, dad?” Naguguluhan na ako dahil sa ikinikilos niya at lalo naman sa mga sinasabi niya. “Dad, sabihin mo sakin ang problema.”

Nagpakuha muna ako ng tubig sa isang kasambahay at pinainom iyon kay dad para kumalma ito.

“Now tell me…”

“You know Sunshine Olegarco, right?” Panimula nito. Paano ko naman makakalimutan ang pangalan ng babaeng ‘yon?

“Uh huh, your first love. What about her?” Yes, she is dad’s first love and friend. Masyadong maganda si Mrs. Sunshine Olegarco kaya hindi ito makalimutan ni dad. Hinahayaan na lang namin siya ni kuya na gustuhin iyon kahit may asawa na ito. Basta ba’t wala itong gagawing masama sa kaniya o kahit sa pamilya nito.

“Nabalitaan ko na aalis siya kasama ang anak niyang babae. Hindi ko man alam ang nangyari sa pamilya nila ay hindi ko gusto na umalis siya. Kaya gusto ko silang pigilan ng anak niya.”

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon