CHAPTER 26

1.4K 105 22
                                    

Thanks po kay MaenardZuniega

__________________________________

Chapter 26:
His Sister

Zaya's POV

"Hi!" Nawala ang ngiti ko nang makita ang tumabi sakin. "Buti may cast ka na." Sabi ni Gray.

"Ano na namang trip mo? Wala akong panahong makipagsagutan sayo." Ang aga-aga, magsisimula na naman siya. Kumunot ang noo ko nang akbayan niya 'ko.

"Ito naman. Ang sungit mo ah. Baka gusto mong isumbong kita." Aniya na parang nananakot. Napabuntong-hininga na lang ako. Umalis siya sa pagkakaakbay sakin at naglakad patalikod. "Gusto mo, ako magdala ng bag mo?" Presinta niya.

"Umayos ka ngang maglakad!" Sabi ko sa kaniya. "Humarap ka sa daan, wag sakin."

"Nakikita ko yung daan ko sayo..."

"What?" Hindi ko masyadong narinig. Bigla kasing nag-bell.

"Wala. Sabi ko ang ganda mo." Seryoso ang mukha at tono niya. Bigla namang nag-react ang puso ko. Tss. No way. Inalis ko na lang ang bag ko at hinagis sa kaniya. "Si baby naman... Pwede mo namang iabot sakin ng maayos eh." Ito na naman siya sa baby.

"Baby mo mukha mo." Sabay lakad ko ng mabilis papunta sa room namin. Dumako ang tingin ko kay Runa. Nakatingin rin siya sakin pero agad niya itong iniwas. Bakit kaya?

Nagsimula na ang mga klase at naging tahimik lang ako. Hindi makatingin si Runa sa akin. Simula ito noong nangyari sa pagitan namin nila Mitch. Natakot kaya siya sakin? Hindi talaga ako nakakapagpigil ng galit kaya nagawa ko 'yon kay Mitch. Tsaka galit na naman talaga ako sa kaniya noon pa.

Break time na at si Gray pa rin ang nagdadala ng bag ko. Umupo kami agad sa usual spot namin.

"Anong gusto mo kainin?" Tanong ni Gray. Himala yata at parang ang bait nito. Akala ko ay mang-aasar na naman siya.

"Frappe and a slice of chocolate cake."

"Okay, got it." Anito at pumunta sa counter.

"Close na kayo ni Gray?" Tanong naman ni Jun.

"Hindi."

"Ang bait ngayon eh."

"Ay alam ko na 'yan..." Si Gino habang nakangisi. Bakit, ano bang meron?

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon