Chapter 87:
Average
Grays’ POV
Halos sapakin ko si Gino nang malaman na nagkita pala sila ni Zaya noon hinatid niya si Hilda isang araw.
“You selfish! Kaibigan ba talaga kita?” Mapait kong sabi. Eh di sana, nakita ko rin siya.
‘Yong fifteen minutes na ‘yon ay kulang na kulang para sa akin. Pero wala na akong magagawa dahil nagalit rin ang daddy niya at ang kapatid niya. Dapat ay magpasalamat na lang ako kasi binigyan pa nila ako ng fifteen minutes para makita si Zaya at para ipaliwanag na rin ang sarili ko kahit hindi ako sigurado kung may narinig ba siya kahit isang salita lang sa sinabi ko. Sana kahit iyong salitang ‘sorry’ lang ay narinig niya.
“Ang sungit kaya! Nagtawag pa talaga ng guard para ipahila ako kung hindi daw ako aalis. She even said that she hates seeing me! Kaya kung ako sayo, maghahanda na ako. Mas galit ‘yon sayo eh.” Kanina pa nagrereklamo si Gino dahil daw hindi niya nagawang pilitin si Hilda na mag-resign na lang dahil daw pinaalis siya agad at sinungitan pa.
But I agree with him. Mas galit ‘yon sa akin kaya kailangan ko nang maghanda. Pero saglit lang…
“Bakit naman ako maghahanda? Aalis na nga sila.”
“Oo nga pala! Si Hilda ko!” Napabuntong-hininga ako. Pakiramdam ko ay mas naging clingy si Gino. Naging maarte na lalo. Nakakainis. Tuwang-tuwa pa siya habang inaasar ako.
“Hi, Zi!” Napalingon agad ako sa pintuan ng bahay namin nang marinig ko ang boses ni Alexis. Pagkalapit sa akin ay agad niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi. Hindi na ako nagulat dahil hinahayaan ko naman siya lagi noon pa man. “What’s with the long face?”
“Aalis na kasi ang love of our lives namin.”
“Who?”
“Si Hilda sa akin. Kay Zaya ‘yang si Gray.” Tugon ni Gino sa tanong ni Alexis. Tinignan ko ang mukha niya at nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya.
“Sinong Zaya? Classmate ba natin ‘yon, Zi?”
“Uh, yeah.” Sagot ko na lang dahil parang wala ako sa mood na makipag-usap sa kaniya.
Ilang araw pa ang lumipas hanggang sa mag semestral break na. Pumunta kami sa bahay nila Zaya. Sobrang saya at excited ko pa papunta sa kanila. Inaamin ko na umasa nga ako na makikita siya ngayon pero na-ralize ko rin na masakit pa lang umasa.
Nagpaalam si Hilda kay Zaya sa kwarto nito at pinayagan naman siya. Hindi ko nga lang siya nakita o kahit anino man lang niya.
“Daanan muna natin si Alexis.” Anunsiyo ko bago tuluyang pumasok sa kotse. Pagdating sa bahay nila ay agad siyang nag-ayos at halata sa mukha niya ang pagkatuwa.
“Saan nga pala tayo pupunta?” Tanong ni Runa sa amin.
“Hindi ko alam. Sino bang nagyaya dito?” Tugon naman ni Jun. Lahat ay napatingin sa akin.
“Bakit sa akin kayo nakatingin? Wala akong sinabing aalis tayo ngayon. Bigla na lang kayong sumugod sa bahay namin.” Nagsipuntahan sila sa bahay kanina na pinangunahan ni Runa pero wala naman palang mga plano. Ako pa yata ang sisisihin.
“Tara na, Zi! Masaya kaya dito!” Natagpuan ko na lang ang sarili ko na hinihila ni Alexis papunta doon sa isang rides. Yes, damn it! Nasa amusement park kami. The hell? “Please, Zi? Sakay na tayo do’n.” Turo pa ni Alexis sa isang ride na gusto niyang puntahan at mukhang nagpapaawa.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Fiksi RemajaSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
