Chapter 52:
Forget
Gino’s POV
Tinatamad ako. Parang ayaw kong pumunta sa date namin ni Ailee. Noon naman ay may gana ako sa ganitong mga bagay. Pero ngayon na si Ailee… Hindi ko alam. Tss.
“Gab, pumili ka nga dito kung anong mas bagay sakin.” Pinapunta ko ang kapatid ko sa kwarto ko para magtanong sa kaniya para sa susuotin ko mamaya. “Gab!”
“A-Ano?”
“Kanina pa kita tinatanong. May problema ba?”
“Wala, kuya.” Sagot niya na hindi ko pinaniwalaan.
“Nag-away kayo ni Jun? Ayos na kayo, di ba?”
“Bakit naman si Jun agad ang naisip mo, kuya? Wala lang ‘to.” Tugon niya at lumapit sa closet ko.
Hindi ako manhid para hindi makita at maramdaman na walang problema. Kasi alam ko ay meron kahit hindi niya sabihin at kahit i-deny niya pa. Nag-away na naman siguro sila ni Jun. Parang mag-boyfriend at girlfriend lang silang dalawa. Pero s’yempre, hindi ako papayag. Kahit si Jun pa na kaibigan ko. Ngayon pa nga lang ay nakikita ko na si Gab na malungkot eh. Paano pa kaya kapag nag-boyfriend na siya?
Hindi ko na lang muna pinansin ang pagiging tahimik ni Gab. Hindi rin naman siya magku-kwento sakin kaya pumunta na ako sa dapat kong puntahan. Walang iba kun’di sa bahay nila Ailee.
Nag-doorbell ako sa bahay nila at agad naman akong pinapasok. Nagbibihis pa daw si Ailee kaya naghintay muna ako sa livinig room nila kasama ang mommy niya.
“Tell me, hijo. Nililigawan mo na ba ang anak ko?” Tanong ni Tita Ava, mommy ni Ailee. Bahagya akong napakamot sa batok ko.
“Hindi pa po eh. Focus po kasi si Ailee sa studies niya.” Tugon ko naman na ikinatango nito.
“Hindi naman masama na pagsabayin ang pag-aaral at relasyon. Don’t worry, hijo. Boto ako sayo para kay Ailee. Matagal na rin iyong may gusto sayo. Hindi lang siguro nagsasabi.”
May gusto pala sa akin si Ailee. Akala ko one-sided lang. But that’s good, right? Hindi ko na kailangan ang tulong ni Gray. Parang wala ngang ginagawa ang lalaking ‘yon para tulungan ako.
Let’s forget that nonsense and fucking bet!
Friends na kami ni Hilda at gano’n na rin naman sila ni Zaya. Mahilig lang talaga ako sa kalokohan dati. T’saka mas mabuti na rin na kalimutan na ‘yon bago pa nila malaman. Baka bugbugin ako ni Zaya.
Ilang minuto lang ng paghihintay ay bumaba na si Ailee. Nakaputi ito na dress na bumagay sa kaniya.
“Tita, mauuna na po kami. Ihahatid ko po si Ailee after.” Paalam ko kay Tita Ava.
“Take care of my daughter, Gino.”
“I will, Tita.” Tumango ito sa akin at ngumiti. Nagpaalam rin si Ailee sa mommy niya. Pagkatapos no’n ay umalis na kami.
I brought her in a fancy restaurant.
I know to myself that I’m a playboy. I dated countless girls at masasabi kong ako ang pinakamalala sa aming apat kasama si Ares. But as I always said, I’ve changed. I can’t play with Ailee or even Hilda.
Pagpasok sa restaurant ay ipinaghila ko siya ng upuan. Umupo naman ako sa katapat niya. Bigla kong naalala si Hilda. Hindi ko pa siya nakilala noon dahil nakaayos siya. Napaaway pa ako. And I’m happy that I’m the first man she dated.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Fiksi RemajaSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
