CHAPTER 32

1.3K 77 7
                                        

Chapter 32:
Malfunction

Runa's POV

Para na akong baliw dahil sa ginagawa ko. Matutulala tapos biglang iiyak. I had a talk again with Ares. I keep on asking him why he doesn't like me. Maganda naman ako ah. Marami ngang nanliligaw sa akin pero siya pa rin talaga yung gusto ko.

Siguro sadyang nagiging baliw at tanga ang isang tao lalo na pagdating sa 'love'. Kahit ayaw sayo ng isang tao, pinipilit at pinagsi-siksikan mo pa rin ang sarili mo. Pero ano pang magagawa ko? Simula pa lang nang mga bata pa kami ay may crush na ako sa kaniya. Mahirap pigilan dahil mas lalong nagtatagal ay mas lalo din akong nahuhulog sa kaniya.

But... He said he likes someone else

Sinabi niya 'yan sakin ng mag-usap kami. At kapag nalaman ko kung sino 'yon... Magpapa-backup talaga ako sa best friend kong si Zaya. Pagtutulungan namin 'yon hanggang sa sumuko na siya kay Ares. I know it's pretty brutal but if that's the only way then I rather choose it than having a nice talk with that someone.

Nagpa-iwan ako sa cafeteria matapos naming mag-lunch. It has been minutes at gusto kong mapag-isa at makapag-isip. But someone already ruined it.

Umupo si Betty sa harap ko at nakangiting humarap sa akin. At yung mga ngiting 'yon, lagi ko na 'yang nakikita lalo na noon na lumalapit lang siya kapag may kailangan siya sakin. I got bullied by them pero tumigil sila nang malaman na mag-pinsan kami ni Jun.

"What do you want, Betty?" Inunahan ko na siya. Hindi naman kasi siya lalapit kung wala siyang kailangan.

"Mali ka ng napili mong kaibigan, Runa. Uto-uto ka pa rin pala kahit kailan." Aniya na hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi nito.

"What do you mean by that?" Medyo naguguluhan kong tanong sa kaniya. Mas lalo namang lumapad ang ngisi nito. "Kung wala kang sasabihing maganda, pwede ka nang umalis sa harap ko." Mataray kong sabi. Nakakainis kasi. Para namang maiintindihan ko siya kung ngingiti lang siya.

"Woah, easy Runa!" Aniya sabay taas pa ng dalawang kamay na parang sumusuko. "Gan'yan ba ang natutunan mo sa Zaya na 'yon? Well, you're best friends. Sigurado akong mas kakampihan mo siya kaysa sakin. Hindi mo pa kasi kilala ang baliw na 'yon." She even emphasize that word.

"Wag ka ngang magsalita ng kung ano-ano! Umalis ka na!" Naiinis ko nang sabi. Alam ko naman kasing sinisiraan lang si Zaya. Doon magaling si Betty.

"Sige, aalis ako." Tumayo siya at humakbang ng ilang beses pero huminto din naman at nagpatuloy sa pagsasalita. "Sayang naman yung info ko tungkol kay Ares. I thought you like him? Mukhang hindi naman pala. Sige, bye!"

Natigilan ako nang marinig ko ang pangalan ni Ares. Baliw na talaga ako. But there is something in part of me that urging me to listen to the info that Betty is talking about. Parang sinasabi ng utak ko na importante yung sasabihin niya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at mabilis na hinabol si Betty. Hinawakan ko ang braso niya para patigilin siya sa paglalakad. Nilingon naman niya ako agad na may ngisi pa rin sa labi niya. Umupo ulit kami doon sa table na inuukupa ko kanina.

"Anong info ang sinasabi mo, Betty?"

Akala ko ay walang kwenta lang ang sasabihin niya. Sa bawat buka ng bibig niya ay unti-unti ring nagdidilim ang paningin ko. Unti-unti ring sumisibol ang galit sa puso ko.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon