Chapter 92:
Sorry
Zaya's POV
Habang nasa kotse pauwi ay hindi pa rin tumitigil ang luha ko. Hindi ko alam kung may iba pa ba akong sakit bukod sa PTSD. Pakiramdam ko ay may sakit rin ako sa puso. Hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin ang mga ngiti nilang dalawa habang nag-uusap. Sobrang saya nilang tignan. Bagay silang dalawa...
"Why are you crying?" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Carter. Hindi ko napansin ang kotse niya sa labas dahil dire-diretso lang naman ako sa pagpasok. "Sinaktan ka niya na naman ulit?!" Bahagyang nagtaas ang boses niya at saka lumapit sa akin para yakapin ako. "Tell me why you are crying, princess. Sinong nagpaiyak sayo?"
"W-Wala. Wala."
"Imposibleng wala. Si Castriel ba ulit? Bugbugin ko ba? Sabihin mo lang." Mas lalo akong napaiyak at napayakap na lang rin sa kapatid ko. Hindi ko naman talaga alam kung bakit ako umiiyak ng ganito. Kahit ilang beses ko pang itanong sa sarili ko. Hindi ko talaga alam. Wala akong mahanap na sagot.
"I saw him... with a girl named Alexis." Panimula ko.
"Alexis? Ah, his best friend? The nerd?" Aniya pa na hindi sigurado.
"She's not a nerd anymore, Cart. Maganda na siya."
"So? Anong problema? Inaway ka?"
"No."
"Ah, alam ko na! Selos ka?" Napabitaw ako sa pagkakayakap kay Carter at hinarap siya. Ngayon ay bahagya nang nakaangat ang sulok ng labi niya.
"Selos? Ako?" Tinuro ko pa ang sarili ko. "Where did you get that?"
"Eh bakit ka umiiyak d'yan? Yakap yakap ka pa sa akin. Nagseselos ka lang naman pala. Ganiyan talaga kapag nagmamahal, princess, nagseselos. Nasasaktan."
"Hindi ako nagseselos!" Malakas ko pang sabi at tumakbo papunta sa kwarto ko.
Damn it! I'm not jealous, right? Or... Am I?
Bwiset! Nag-drama pa ako sa harap ni Carter. Nakakainis!
Kinabukasan ay hinatid ulit kami ni Carter hanggang sa room kaya nasa amin na naman ang tingin ng mga kapwa namin estudyante. Nakaakbay pa si Carter kaya lumala rin ang bulungan. Wala naman akong pakialam kaya pinabayaan ko na lang. Makikitid ang utak nila kaya hinayaan ko na.
Ilang rooms na lang ay makakarating na kami sa room ko pero humarang naman si Betty. Sinamaan ko agad siya ng tingin. Inirapan niya lang ako at ibinalik sa akin ang matalim na tingin.
"Ang landi naman talaga. Nilandi na si Paris, tapos si Ares, sunod si Gray, at ngayon naman ay si Carter. Ibang klase ka talaga, Zaya. Bilib ako sayo." Ani Betty at pumalakpak pa. Tumaas ang kilay ko dahil sa pagiging papansin niya. Lagi na lang. Hindi ko alam kung anong problema niya sa akin.
"Get out of the way if you don't want to be drag away." Mariin at seryosong sabi ni Carter, ni hindi man lang nakatingin kay Betty.
"Ano, Carter? Nakalimutan mo na ba agad ako?" Nagtataka akong tumingin kay Betty. Magkakilala silang dalawa?
"Bakit, sino ka ba?"
"Stop lying, Carter. Alam kong hindi mo ako makakalimutan dahil mahal mo 'ko." Mahina akong napatawa, ganoon na rin si Carter. Mahal ng kapatid ko si Betty? What the hell? Anong klaseng joke 'yan?
"I just flirted with you before to know more about Mitch and Paris. Hindi ako magmamahal ng katulad mo. Slut." Natigilan si Betty sa sinabi ni Carter. Alam kong imposible pero parang nakikita ko ang pangingilid ng luha ni Betty. Marunong pala siyang umiyak. Lumingon sa akin si Carter at nagpatuloy na sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Подростковая литератураSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
