CHAPTER 5

2.3K 121 66
                                        

Chapter 5:

The Bet

Gray's POV

"Let's make a bet. Kung sino matatalo magbibigay ng 5k." Gino suggested. Nandito kami ngayon sa isang cyberspace malapit lang sa school. Maaga pa naman kaya dito muna kami.

"Sige. Basta siguraduhin mo lang na magbabayad ka." Sabi ko naman. Mahilig gumawa ng pustahan 'tong si Gino pero kapag natatalo naman siya ay hindi siya tumutupad sa pinagkasunduaan lalo na kung pera ang pinag-uusapan. In short... Kuripot.

"Syempre naman."

"Gago! Hindi ka naman tumutupad eh!" Tugon naman ni Jun.

"Tama na 'yan. Start na!"

Sa simula ay halos dikit ang laban. Pero mas lamang na ako ngayon at si Ares. Napuno ng ingay ang loob dahil sa ingay namin at ng iba pa.

"Magpatalo naman kayo minsan, mga dre." Ani Gino.

"You wish." Mahinang sabi ko. I've focused on killing Gino. Kaunti na lang ang oras at tinarget ko naman si Ares.

For every thing and competition that exist, I am always confident and competitive but still... I always end up losing. At kay Ares pa talaga.

Some of you may think that computer games are easy to win. Pero kung kakompetisyon mo si Ares, there's just a tiny possibility of winning. Why?

Because he's good at everything.

Kaunti lang ang lamang ko kay Ares. At hindi ako pwedeng magpabaya dahil kahit anong oras, matatalo niya ko. And I hate that. I've focused and focused. And in the end, nanalo ako. Pinakamababa ay yung kay Gino.

"Nice game." Sabi ni Ares at saka tumayo at kinuha ang bag niya.

"Give me the money, Gino. Wag mo kong subukang takasan. Bubugbugin talaga kita." Sabi ko na may halong pagbabanta.

"As if you can catch me!" Sabi niya at biglang tumakbo. Gago talaga! Sumunod ako sa kanya at tumakbo din. Humabol naman ang tatlo sa likod ko.

"Better run faster, Gino! I'll kill you when I catch you!" Tumatakbo na siya papunta sa direksiyon ng school. Wala na akong nakikitang mga naglalakad papunta dito.

"What time is it?" I heard Ares asked.

"Wag kang mag-alala, Ares. Ayos lang ma-late. Di naman 'to makakaapekto sa grades mo." Si Jun. Ayoko ng marinig ang pag-uusap nila kaya mas binilisan ko ang takbo ko.

Nakapasok na ako sa gate kaya huminto muna ako saglit dahil na rin sa hingal. I looked around to see if there are any traces of Gino's existence. Nakita ko siyang nakayuko din katulad ko. And I made that as an advantage.

Mabilis akong tumakbo papunta sa direksiyon niya pero biglang may humintong dalawang babae sa dadaanan ako. Lumingon si Gino sa likod niya at sigurado akong napansin niya ako at tumakbo ulit. Nagmadali naman akong humabol sa kaniya. Gumilid ako ng kaunti pero hindi ko inaasahan na mabubunggo ko pa rin ang isa sa mga babae.

Tss... I just lost him!

Nag-isip ako ng lugar kung saan siya pwedeng magtago. At isa lang ang naiisip ko. Walang iba kundi sa CR ng mga babae.

"Have you seen Gino?" Tanong ko sa isang babaeng bigla na lang natulala. I even snapped my fingers in front of her but she didn't respond. Kaya diretso na akong pumasok sa banyo.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon