CHAPTER 11

1.8K 115 36
                                        

Chapter 11:
Close

Zaya's POV

Tatlong araw din ako sa ospital. Hindi rin ako nabisita ni Paris dahil nagbantay si Daddy sakin. Ayaw ni Dad na may boyfriend ako. Pero tinuloy ko pa din. He knew that I have a boyfriend but he don't know who it is.

Tapos na akong magbihis nang makapa ko na hindi ko suot ang binigay na necklace sakin ni Daddy. Kay Mommy pa naman 'yon. Nasaan na 'yon? Hindi ko napansin na nawala na. Lagot ako nito. Kay Mommy pa naman 'yon. Hindi yon pwedeng mawala.

"Hilda!" Sigaw ko. Ilang saglit lang ay pumasok na siya sa kwarto ko.

"Bakit po?"

"Have you seen my necklace? The one that Daddy gave me?"

"Sorry, hindi po. Hindi ko nga alam ang itsura non."

"The one with a butterfly pendant."

Saan ba 'ko pumunta? Hospital, clinic at detention room lang naman ang napuntahan ko dahil suot ko pa 'yon ng umaga. Kaysa mahuli sa klase ay pinahanap ko na lang yon sa mga kasambahay namin.

Pagpasok sa classroom ay sinalubong agad ako ni Runa ng isang yakap. "I miss you, Zaya! Mabuti magaling ka na."

"I... I can't breath..." Sabi ko dahil sa sobrang higpit ng yakap niya.

"Sorry."

Ang what did she say? Namiss niya ko? Ni hindi nga kami close at hindi ko nga siya kinakausap. Mas madalas silang magkausap ni Hilda.

Mabilis lang na natapos ang klase namin. Lalabas na sana ako kaso bigla akong tinawag ng lecturer namin.

"Zaya and Ares, lumapit muna kayo dito." Lumapit naman ako at ang tinawag niyang Ares. "Pakidala ng mga folders na 'to sa faculty room." Aniya sabay abot samin ng mga folders. Bakit kailangan pa 'kong utusan? Isn't she oriented that I just came back from hospital?

"Yes, Ma'am." Sagot ng katabi ko. He's tall. Lagpas balikat niya lang ako.

"Sumama ka kay Ares, Zaya. You're a transferee. I'm sure that you're still not familiar with the school."

Tumango lang ako at saka kami naglakad palabas. Tinawag pa 'ko ni Runa pero dumiretso lang ako. Ang ingay kasi niya. Nakita ko pa si jerk na nakatingin sakin... O samin? Hindi ako sigurado.

Tamad akong naglalakad habang dala-dala ang mga folders. Kumakain na dapat ako ngayon pero inutusan naman ako. Dito yata sa school na 'to ko mararanasan ang mga hindi pa nangyari sakin noon. Tss.

"You okay? Ako na lang ang magdadala n'yan." Anang katabi ko. I looked at him. He looks pretty familiar. Where did I saw him? I asked him out of my curiosity.

"Have we met before?"

"Yeah. The last time we met was two years ago in an exclusive restaurant. We had a dinner with our parents." I nodded. Sabi ko na nga ba eh. Pamilyar siya. "Akala ko hindi mo na 'ko kilala."

"Well... We're not that close, right? Pero nag-uusap naman tayo minsan. Nakalimutan ko lang. Matagal na kasi. And... Ares? I thought your name is Zavier." Then I heard him chuckle.

"Pareho kong pangalan 'yon. I'm Zavier Ares." Then he chuckled again. Tss. Bakit hindi ko agad naisip 'yon?

"Stop making fun of me. Malay ko ba. But I'm more comfortable with Zavier."

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon