Chapter 45:
TruthZaya’s POV
Gray is really drunk! Bakit niya ako hinalikan?! At bakit ni hindi man lang ako gumawa ng paraan para hindi matuloy ‘yon? Nagde-demand pa siya na sampalin ko siya.
Lumipas ang mga oras at unti-unti nang nagpaalam ang mga bisita ni Gino. Kami na lang ang natitira. Pinatay na rin ang malakas na tugtugin. Nasa iisa naman kaming lamesa at nakapalibot dito.
“Oh, ano na? Bakit ang tahimik niyo?” Tanong ni Carter na bumasag sa awkward at katahimikan namin. Parang ang lahat ay may iniisip na mabigat na problema. Hindi rin naman ako makatingin kay Gray dahil sa nangyari kanina.
“Ganito na lang. Truth game. Simple lang, di ba?” Suhestiyon naman ni Gino habang naghahanap ng isang bote na pwede naming gamitin. “Kapag hindi nasagot o kapag hindi gustong sagutin ng taong natapatan ng bote ang tanong, kailangan niyang uminom. Kailangan mo ring uminom kung hindi kami na-satisfy sa sagot mo. Ano, game ba kayo?”
“Okay, game!” Sang-ayon naman namin.
Nagsimula ang laro sa pagpapa-ikot ni Gino ng bote. Halos lahat kami ay nakatitig sa bote. Hanggang huminto ang bunganga nito kay Jun.
“Oh, Jun! Isa-isa kaming magtatanong.”
“What?! Bakit ang dami naman yata?” Reklamo ni Jun. Bigla na lang nadagdagan ang rules sa gagawin naming.
“Pwede naman kasing mag-pass kung walang itatanong.” Tumango na lang si Jun. “Ako ang unang magtatanong. Anong pinag-usapan niyo kanina ni Gab?”
“Sabi mo, di ba? Mag-usap kami? ‘Yon yung ginawa namin. Nag-ayos lang kami.” Tugon ni Jun sa tanong ni Gino. Nakatingin naman ito sa mga mata nito na parang sinusuri niya kung totoo ang sinasabi ni Jun.
“Nagkagusto ka ba talaga kay Rica?” Tanong naman ng kapatid ni Gino na si Gabrielle.
“Yes.”
“Ikaw ang pinaka-secretive sating tatlo nila Gino. Any hints about your special someone?” Si Gray naman ngayon ang nagtanong. Huminga muna ng malalim si Jun bago sumagot.
“Her name starts with ‘R’.”
“Parang kilala ko kung sino ah.” Nakangisi at may halong pang-aasar na anas ni Gray. Ako na ang magtatanong pero nag-pass ako. Gano’n din sila Hilda, Runa at Ares.
“All I know is that Jun likes someone who’s younger than him.” Komento naman ni Carter. Nakita ko ang pagbabago ng mukha ni Jun. Parang kinakabahan. Parang natatakot.
Umikot ulit ang bote at natapat naman ito sakin. Mariin akong napapikit. Para kasing nasa hot seat kami. O kaya naman ay ini-interrogate nila ang matatapatan ng bote.
“Bring it on…” Tamad kong sabi kahit na ang totoo ay medyo kinabahan ako.
“Why didn’t you slap me? Why didn’t you stop me?” Si Gray.
“I don’t know.” Sagot ko. Hindi ko naman talaga alam kung bakit. “Maybe I was just shocked and didn’t reacted at all.”
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...