CHAPTER 49

1.1K 112 12
                                        

Chapter 49:
Listen


Zaya’s POV

Pagkatapos ng tawag na ‘yon ay natulog na ako. Mabuti na lang at nasa phone lang. Hindi niya akong umiyak. Ngayon na lang siguro ako umiyak ng ganito.

Pagkagising sa umaga ay bumungad sa akin si Lea na nasa kusina at nagluluto.

“Sakto at kakatapos ko lang. Nauna na ang daddy mo dahil may importante pa siyang aasikasuhin.” Anito at tumango lang naman ako. Kahit parang bumait si Lea ay wala pa rin akong tiwala sa kaniya.

Naglagay siya ng plato at mga kubyertos sa harap ko. Nilagyan niya rin ito ng tamang dami ng pagkain pero hindi ko ito ginalaw agad at tinignan lang.

“Wag kang mag-alala. Wala ‘yang lason.” Aniya na ikinairap ko.

“Himala yata. Anong nakain mo at bigla kang bumait?” Tanong ko at nagsimula na sa pagkain.

“Mabait naman talaga ako. Nagiging masama lang ang ugali ko sayo dahil nanghihinayang ako. Masyadong mabait ang mama mo at hindi ko inasahan na magiging gan’yan ang ugali mo.” Nag-iwas ako ng tingin. Totoo ang sinabi niya pero wala siyang alam kung bakit ako naging ganito. “Gusto lang kita pagsabihan. Lagi kang kasali sa gulo. Sinasayang mo ang ikalawang buhay mo.”

Kritikal din ang lagay ko noon. Akala nga daw nila daddy ay mawawala na rin ako. But then, God gave me a second chance. Na sana ay binigay Niya rin kay mommy.

“Alam kong hindi mo ako pinagkakatiwalaan dahil sa mga ipinakita ko sayo noon. Pero ngayon… kahit ngayon lang ay maniwala ka.” Tila nagmamakaawa ang mukha at tono nito kaya nagtatanong akong tumingin ako sa kaniya. “Hiwalayan mo na si Paris.” Nabigla ako nang banggitin niya ang pangalan ni Paris. Lagi niya akong nahuhuli at ilang beses niya na akong nakitang kasama si Paris pero kailanman ay hindi ko nabanggit ang pangalan nito.

“At sino ka para sabihin sa akin ‘yan? Don’t you dare talk about this to dad.” Sabi ko na may halong pagbabanta at saka mabilis na inubos ang pagkain.

Iniinis na naman ako ni Lea. Sino ba siya para sabihing hiwalayan si Paris? Tsk.

Hindi ko namalayan ang oras at break na. Iniisip ko pa rin kung paano niya nalaman ang pangalan ng boyfriend ko. Paano kung sabihin niya ang tungkol do’n kay dad?

“Zaya!” Halos mapaiktad pa ako dahil sa boses ni Gray na hindi ko namalayang nasa harap ko na pala.

“B-Bakit?” Hindi agad ito sumagot tinignan lang ako.

“Ayos ka na ba?” Hindi agad ako nakasagot dahil nakikita ko ang pag-aalala sa mukha ni Gray. “Alam ko na! Dito ka lang.” Hindi niya na hinintay ang sagot ko at lumapit na doon sa counter.

“Malapit na school fest! Dudurugin ko ‘yang mga kalaban natin.” Sabi ni Gino kay Jun.

“Matagal ng durog ang mga ‘yon.” Tugon naman ni Jun at mahinang tumawa. Naging interesado ako sa pinag-uusapan nila kay nagtanong ako.

“May lalabanan bang school?”

“Meron.” Sagot nito Jun at binanggit ang pangalan ng dati kong school. Napangiti ako. Magkikita kami ni Paris sa school fest.

“Zaya.” Dinig ko sa kababalik lang na Gray at nilapag ang chocolate frappe sa harap ko. “Favorite mo ‘yan, di ba?”

“Thank you.” Sabi ko at humigop sa frappe na dala niya. Nag-usap pa sila tungkol sa school fest at laban ng basketball na magagnap. Napansin ko namang wala si Runa. “Hilda, nakita mo si Runa?”

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon