CHAPTER 31

1.3K 85 9
                                        

Chapter 31:
Change For The Better


Hilda's POV

Pagkatapos ng huling klase sa umaga ay dumiretso na agad kami sa cafeteria. Habang naglalakad ay nabigla ako dahil may humawak sa kamay ko. Liningon ko ito at nakita ang nakangiting si Gino. Unti-unti ay ipinagsalikop niya ang mga kamay naming dalawa kaya lihim akong napangiti.

"Hilda, you're really cute when blush." Anang katabi ko kaya kinagat ko ang pangbaba kong labi para pigilan ang pagsilay ng ngiti sakin.

Hanggang sa makarating sa paroroonan ay nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Napansin ko pa nga ang ilang nakatingin sa amin ni Gino. Tingin na may pagtataka. Tingin na may panghuhusga. Hindi ko na lang pinansin ang mga ito.

Kaming dalawa ni Gino ang nag-order para sa amin. Tulala kasi si Runa at mukhang may problema naman si Zaya. Akmang magbabayad na ako pero pinigilan ako ni Gino.

"Ako na ang magbabayad." Inabot niya ang card niya. At nagsabing dagdagan pa ang in-order namin. Masyado na nga iyong marami pero dadagdagan niya pa.

"Bakit ang dami naman yata?" Tanong ko.

"Gusto kong kumain ka ng madami, Hilda. Pinapakain ka ba sa inyo? Tignan mo oh..." Aniya sabay kuha ulit sa kamay ko. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko na para bang sinusukat niya ang size nito. "Ang payat mo. Simula ngayon, gusto kong makita na kumakain ng maayos. Okay?" Ngumiti ako sa kaniya at sumagot.

"Okay."

***


Gabrielle's POV

"Ano, hindi pa rin kayo nag-uusap?" Tanong ni Kuya Gino sa aming dalawa ni Jun. Pinapunta kasi siya ni Kuya dahil maglalaro daw sila sa Xbox. Wala namang sumagot sa amin.

Simula noong inaway ko si Rica ay hindi na namamansin si Jun. At kapag pumupunta siya dito sa bahay, ni hindi niya man lang ako magawang tignan. Dinadaan-daanan niya lang ako na parang alikabok.

"Ano ba 'yan? Bakit ayaw niyong sumagot?" Palihim kong pinasadahan ng tingin si Jun na nakaupo lang sa gilid ko. He's on his poker face. Hindi ako sanay. Lagi kasi siyang nakangiti kapag kaharap ako.

There's a big part of me that misses those smile that always reach his eyes. I miss the way we are. How clingy I am to him. And that he always doesn't mind if I do.

"Kuya, kung maglalaro kayo, maglaro na kayo. Wag niyo 'kong istorbohin. Magre-review ako." Sabi ko pa sabay balik ng tingin ko sa notes ko. Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang pag-uga sa gilid ng inuupuan ko. Napatingin ako kay Jun na ngayon at nakatayo na at nakapasok ang mga kamay sa bulsa.

"I'm going. Baka kasi makaistorbo tayo." He even emphasize that word.

If you just knew Jun, you will never be an inconvenience to me. Mas pipiliin ko pa ngang makasama ka kaysa mag review.

"Hoy, saglit lang! Hindi ko pa nga nakukwento yung date ko!" Anas ni Kuya habang pinipigilan si Jun sa pag-alis. Gusto ko na ring tumayo at kausapin na siya pero nangingibabaw ang pride ko.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon