Chapter 72:
Dumb and Stupid
Hilda’s POV
Isang linggo na ang lumipas nang magkaayos ang magkaibigang sila Gino at Jun. Maayos na ang relasyon nila ni Gab. Isang linggo na rin ang nakalipas nang mapansin ko na mas naging close sila Zaya at Gray kahit na medyo tinatarayan pa rin ito ni Zaya. Sila Runa at Ares naman ay masaya rin sa kanilang relasyon. At sila Gino at Ailee? Mukhang maayos naman sila at mukhang masaya lalo na si Gino. At ako? Isang linggo ko na ring hindi kinakausap si Gino. Hindi niya rin naman ako pinapansin kaya maayos ang pag-iwas ko.
“Malapit na ang semestral break natin. May plano na ba kayo?” Tanong ni Runa habang nasa cafeteria kaming lahat. Umiling naman ang iba bilang tugon. “Punta na lang tayo sa beach, guys.”
“Count me in.” Tugon ni Gino. Nagtaas naman ng kamay si Ailee.
“Me too.”
“Me three.”
“Lahat tayo kasama. You can’t say no. Lalo na kayo Hilda at Zaya.” Isang linggo ang semestral break na ‘yon. Hindi man ako sigurado pero sa tingin ko ay gugugulin namin ang pitong araw sa beach. Kilala ko na si Runa at kung may mga plano man siya para sa aming magkakaibigan, gagawin niya talaga.
“As if I have a choice. Count me in, then.” Ani Zaya kaya natuwa naman si Runa.
“That’s a good choice, Zaya. Mag-enjoy ka naman kahit papano.” Si Gray na masuyong hinahaplos ang buhok ni Zaya kaya tinaasan na naman siya nito ng kilay.
“What about you, Hilda?” Napatingin ako sa tapat ko kung nasaan si Ailee na siyang nagtanong sa akin.
“Uhm, baka hindi ako makasama.” Sagot ko na lang. Totoo naman kasi iyon. Marami pa akong kailangang gawin at hindi kasama do’n ang pagpunta sa beach.
“Bakit naman?” Tanong ulit nito.
“Kailangan ko pang magtrabaho.” Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Ailee.
“You work? Where and as?”
“Kila Zaya bilang kasambahay.”
“Oh my God… Really?” Hindi ko alam kung bakit parang nakakainsulto ang tono at mukha ngayon ni Ailee. Hindi ko naman ikinakahiya na kasambahay ako nila Zaya. Bakit ko naman ikakahiya eh marangal na trabaho ‘yon. Pakiramdam ko kasi ay parang nang-iinsulto siya. “I thought you were the same level as ours.”
“Ailee!” Mariing sabi ni Gino na sinabayan ng paghampas ni Zaya sa table.
“What’s wrong? Akala ko lang talaga mayaman siya pareho natin. Hindi ko naman alam na maid lang pala—”
“Shut the fuck up!” Ngayon ay naging pasigaw na ang pagkasabi ni Gino kaya nakakuha ito ng atensyon mula sa ibang estudyante. “Don’t you dare insult her, Ailee.”
“I am not insulting her. Unless she was insulted—”
“Titigil ka o paduduguin ko ‘yang bunganga mo?” Natigil sa pagsasalita si Ailee dahil kay Zaya na may pagbabanta sa kaniyang sinabi. Umirap lang si Ailee kay Zaya at saka ito lumabas ng cafeteria. “What the hell?! That bitch…” Nakikita ko na naiinis na si Zaya dahil huminga ito ng malalim ng ilang beses para siguro pakalmahin ang sarili niya.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Novela JuvenilSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
