CHAPTER 33

1.2K 84 8
                                    

Chapter 33:
Tempt

Zaya's POV

"It's you..."

Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit ang linyang iyan na sinabi ni Ares.

That can't be right? Of all people... Of all the girls out there, why me?

Wala ako sa sarili habang naglalakad pabalik sa room para sa susunod na klase. Dapat sabihin sakin ni Ares na niloloko niya lang ako. Ngayon na nga lang ako nagkaroon ng tunay na kaibigan, mukhang masisira pa yata. Wala naman akong gusto kay Ares eh. Kaso baka magalit pa rin si Runa sakin.

Halos nasa na ako ng pinto ng room namin nang mahagip ng mga mata ko ang lalaking hinahanap ko. Papasok na rin sana siya sa classroom nang hilahin ko siya sa isang sulok.

"What is it? Na-miss mo na agad ako?" Humakbang si Ares papalapit sa akin hanggang sa tumama ang likod ko sa isang pader. He placed his right hand on the wall just above my head. My heart started to beat so fast. Hindi dahil naaapektuhan ako sa presensiya niya dahil may gusto ako sa kaniya. Bumibilis ang tibok mg puso ko dahil kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.

"Asa!" Halos pasinghal kong sabi. Ngumiti lang naman siya sakin. "Umayos ka nga, Ares! May itatanong lang ako."

"Ano?"

"Hindi 'yon totoo, di ba? Sabihin mong nanloloko ka lang. Na binibiro mo lang ako." Tinignan ko siya mismo sa mga mata niya. Baka sakaling mahanap ko doon ang sagot.

"It's true. I'm not kidding, Zaya. I really like you." Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa pagkadismaya.

"But I don't like you... And I already have a boyfriend." Pagtatapat ko. Totoo naman iyon. I have Paris. I trust him so much and I know that he's like that to me, too. Hindi ko siya kayang lokohin.

"You're so straightforward."

"Yeah. So stop this shit." Kahit wala naman akong nararamdaman para kay Ares, alam kong makakasakit pa rin ako ng damdamin ng iba. "I'm asking you to like Runa instead. She's better than me."

"I don't like her. So stop pushing me away." Ngayon ay naging seryoso na ang ekspresyon niya. "Zaya, you can't ask someone to love someone else. Lalo na kung iba naman talaga yung gusto nila." Lumayo na siya sa akin at tumayo ng maayos.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon