CHAPTER 12

1.7K 111 30
                                    

Chapter 12:
Fall

Gino's POV

"Let's make those two nerds fall in love with us. Madali lang naman 'yon, di ba? Gwapo ka, pero mas gwapo akon kaya less effort. Hindi mawawala ang prize sa unang makakapagpa-confess ng nerd. Ano, game?"

"Gago ka talaga, Gino! Ang landi mo, bro!" Sabi ni Jun pagkatapos marinig ang bagong suggestion ko kay Gray. "Pati nerd at inosente... dinamay mo. Iba ka talaga. Isa kang alamat!"

Mayabang akong ngumisi sa kaniya. Syempre... I'm very good with girls. I can make them fall for me.

"Ano palang nakataya dito? Ano 'to, paunahan?" Si Jun.

"Oo, paunahan nga. Hmm... Gray, you'll set me up with Ailee kapag ako ang nauna." Maganda, sexy at matalino si Ailee. She's perfect. Handsome, rich and no to failing grades but still she won't like me. Babaero daw kasi ako. I can make other girls fall for me but her. Tsaka mas close sila ni Gray kaya yun ang hinihingi ko kapag nauna ako sa bet namin. "Ikaw?"

"I don't really need anything. Just give me your car when I need it. Kinuha na naman ang susi ng kotse ko. Fuck. But okay, deal." Sagot ni Gray. Akala ko ay hindi siya papayag. "Sakin yung isa. Yung brownish yung buhok." Tukoy niya doon sa babaeng mas matangkad.

"Okay, sakin yung isa." Siya yung lagi namang nakayuko at nakasunod don sa isa.

I really don't know what's gotten into me to make that bet. I always make bets. I am just too confident in winning. Especially when we talk about girls. Maybe because I can easily win in that case.

Sabi ni Gray ay iinisin at aasarin niya daw muna yung isa. Pero ako... Sisimulan ko na agad at saka, si Ailee ang pinag-uusapan dito. Medyo bored din ako nitong mga nakaraan at naging busy na rin. So to have some fun... I decided to start it. Nerds are innocent. And I find it pretty challenging. Para kasing mailap sila sa mga tao. If I start talking to her right now, I can gain her trust and make her fall for me. And after that, I can have a date with Ailee and I will make her my girlfriend.

"You're a transferee, right?" Tanong ko sa kaniya. Magiging madali lang 'to para sakin dahil katabi ko lang siya sa upuan. I can talk to her whenever I want.

"Oo..."

"What's your name? I'm Gino." Sabi ko at nilahad ang kamay ko sa kaniya.

"Hilda..." Tinaas niya na yung kamay niya pero parang nagdadalawang-isip pa siya kung makikipag-handshake siya sa akin o hindi. Kaya ako na mismo ang kumuha ng kamay niya at hinawakan ito.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon