CHAPTER 89

633 52 23
                                    

Chapter 89:
Space


Zaya’s POV

Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito nga ang girl best friend ni Gray. Mukhang sobrang close nga nila at binigay pa ni Gray ang upuan niya sa Alexis na ‘yon. Napunta naman sa pinakalikod si Gray dahil iyon na lang ang nag-iisang bakanteng upuan.

Sinubukan kong makinig sa klase pero wala namang pumapasok sa isip ko kahit isang salita. Nang tumunog ang bell ay agad akong tumayo sa upuan ko at niligpit ang mga gamit ko. Tumingin ako sa direksiyon ni Runa at bahagya pa akong nagulat nang makita siyang mabagal na naglakad papunta sa direksiyon ko. Mas binilisan ko ang paglalagay ng gamit sa bag ko. Naglakad agad ako palayo bago pa siya makalapit. Papalabas na sana ako pero nakaharang naman ang isang maduming basahan sa harap ko.

“Welcome back, Zaya! Akala ko patay ka na o nakakulong sa isang mental facility. Buti nakabalik ka pa.” Nakangiti si Betty pero alam kong peke iyon. Ibang ngiti ang nasa labi niya kaya naiinis ako. “Kawawa naman ang dati kong kaibigan na si Runa. Muntik na siyang mamatay dahil sayo. Alam mo bang kinamumuhian ka na niya ngayon. Ni hindi ka man lang nag-sorry. Kakaiba ka talaga.”

“Get the hell out of my sight, bitch.” Unti-unti ay nabubuo na ang inis na kanina ko pa pinipigilan. Isang kalabit na lang ay baka masaktan ko na rin ang babaeng ‘to sa harap ko.

“Bakit? Naiinis ka na ba? Mananakit ka?”

“Hindi ako magi-guilty kahit puruhan ko pa ang isang bitch na katulad mo.” Baka mawalan na talaga ako ng konsensiya kapag sinubukan ako ni Betty. Ang hirap sigurong ma-guilty kung gagawan ko siya ng masama dahil mas marami pa yata siyang ginawang mali kaysa sa akin.

“Oh, well. You don’t have conscience naman kasi. Runa is your best friend, but what did you do? Sinakal mo siya. Oh my goodness! Ganiyan ba talaga yung best friends?” Akmang susugod na ako sa bwiset na Betty na ‘to pero biglang may humawak ng braso ko.

“Huwag mo nang patulan. Pabayaan mo na siya.” Dinig kong usal ni Gray. Tumingin ako sa kaniya at marahas na binawi ang braso ko. Inirapan ko pa siya at saka sinadyang banggain ang balikat ni Betty.

Calm down, Zaya. Suppress yourself.

Hindi ko alam kung anong ginawa kong kasalanan kay Betty para ganituhin niya ako. Siguro galit siya sa mga ginawa ko noong mga pambu-bully kay Mitch kasi pinsan niya ‘yon. Pero tapos naman na, hindi ba? Wala na kami ni Paris. Sigurado naman akong nakatuluyan na sila Paris at Mitch. Wala na ako kaya wala na ring hadlang para sa kanila. Pero bakit papansin pa rin ‘tong si Betty?

“Zaya!” Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Runa. Hindi ako lumingon hanggang sa nakita ko na lang siya sa harap ko na hinahabol ang hininga, siguro ay dahil sa pagtakbo. “Zaya…” Halos mapaigtad ako nang hawakan niya ang balikat ko kaya agad ko iyong hinawi. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.

“D-Don’t touch me.” Hangga’t maaari ay ayaw kong lumapit sa kaniya. Kahit magtiis ako na huwag siyang pansinin at lapitan ay gagawin ko para lang hindi maulit ang nangyari.

“Okay, I won’t touch you. Pero pwede ba tayong mag-usap?” I look at her eyes. It looks hopeful but it’s saddening that I will refuse her. Gusto ko rin siyang makausap pero hindi pa siguro ngayon. Hindi pa ako handa dahil baka masaktan ko na naman siya.

“No. I don’t want to talk to you. Aren’t you mad at me? Hindi ba dapat iniiwasan mo ‘ko kasi sinaktan kita?”

Sobrang natamaan ako sa mga sinabi ni Betty kanina. Hindi ko man gustong tanggapin pero iyon ang totoo. Wala akong tunay na kaibigan dati. Siguro si Mitch noon. I saw her as a true friend but she saw me as a competition. Akala ko sa pagiging queen bee ng school namin siya nakikipagkompetisyon. Kay Paris pala.

Pero ngayon naman na nakahanap na ako ng tunay na kaibigan… Wala naman akong nagawa para sa kaniya pero nasaktan ko siya. Hindi ko naman sinadya ang ginawa ko ngunit pagbali-baliktarin man ang mundo… sinaktan ko parin siya.

“Kaibigan kita.”  Natigilan ako sa naging tugon ni Runa sa akin. Nakatingin siya mismo sa mga mata ko at ang kaniyang mga labi ay makikitaan ng tipid na ngiti. “Bakit naman kita iiwasan, eh kaibigan kita?” Umiwas ako ng tingin sa kaniya nang maramdaman ko ang paghapdi ng mga mata ko. Tinignan ko pa ulit siya ng isang beses bago naglakad palayo.
aya! Zaya, mag-usap tayo!” Dinig ko pang sabi niya pero hindi ko na siya nilingon dahil nagsimula nang tumulo ang luha ko.

Mas napatunayan ko na totoo ang lahat ng sinabi sa akin ni Carter noon. Na hindi lang naman si Mommy ang nagmamahal sa akin. I’ve experienced the coldness of my life but I can say that the world is still a warm place. Love can keep us warm. It makes us alive. Pero paano ko naman mabibigay at masusuklian ang pagmamahal na binigay nila sa akin kung sunod-sunod na sakit ang dumating sa akin? Parang nakalimutan ko na yata ang salitang ‘pagmamahal’.


***

Runa’s POV

Araw-araw ay hinihintay ko ang pagbabalik ni Zaya.

Totoong nagulat ako sa ginawa niya sa akin. Nakita ko na ang badass side niya kaya hindi malayong gawin niya ulit ang bagay na ‘yon. Ngunit hindi ko naman inakala na sa akin ang mangyayari ‘yon. Noong una ay nalungkot ako dahil hindi lang basta kaibigan ang turing ko sa kaniya at kay Hilda. Parang kapatid ko na rin sila.

Kahit alam kong siya ang may maling nagawa sa amin, gusto kong ako parin ang lumapit sa kanya. Lagi niya kasi akong iniiwasan. Lalapit pa lang ako pero iiwas na agad siya na parang alam niya kung ano ang balak kong gawin.

Hindi ako makapaniwala na sinakal niya ako. Mabuti na lang at nagpaliwanag si Hilda sa amin kaya mas naintinidihan ko siya. Minsan ay nakakapagtampo. I’ve been telling my stories about my life to her but she can’t even say anything about her. Hindi ko alam na may trauma pala siya.

“Zaya! Zaya, mag-usap tayo!” Tawag ko pa sa kaniya pero hindi na siya lumingon at nagdire-diretso lang na parang walang narinig. Hahabulin ko pa sana siya dahil desperado akong makapag-usap kami pero pinigilan na ako ng isang kamay.

“Stop it, babe. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo.” Mas lalo akong naiyak nang lingunin ko si Ares. Marahan niya akong hinila papalapit sa kaniya at niyakap. Niyakap ko naman siya pabalik.

“Bakit gano’n? Wala naman akong ginawang masama sa kaniya, ah? Gusto ko lang naman na magkaayos kami at bumalik sa dati pero parang ayaw niya.” Tila nagsusumbong kong turan kay Ares. Naramdaman ko naman ang paghagod niya sa likod ko.

“Maybe she’s not yet ready to talk. Maraming nangyari sa kaniya. Marami pang gumugulo sa isip ni Zaya kaya bigyan muna natin siya ng space para makapag-isip siya ng maayos. Babalik rin ‘yan sa dati.” Umalis siya sa pagkakayakap sa akin kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Sinapo niya ang pisngi ko at pinalis ang luhang tumulo doon. “Kaya huwag ka nang umiyak. Let’s give her space that she needs.”

“Okay.”

Kung iyon nga ang kailangan niya, kaya ko ‘yong ibigay. Kahit hindi ko nararanasan ang mga nangyari sa kaniya. Ramdam ko naman kung ano ang pakiramdam no’n. Kung ako siguro ay sumuko na. But after all, she’s the one and only Zaya. She’s strong and brave. I’m sure that she’ll get through this all.


That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon