Chapter 25:
Jealous
Gino's POV
Nagsimula kaming magsagot ng walang hiyang quiz na 'to sa history.
Bakit ba kasi kailangan pang balikan ang nakaraan?!
Wag niyo kong masamain. Wala akong hugot sa nakaraan. Pero kasi... Quiz pa ba 'to?!
I looked at the answer sheet. I recognize some but I don't actually know if it will be enough to pass this damn long quiz. That's why I want to copy her answers. Para mataas score ko. Gusto kong malaman ni Ailee na matino ako.
Napatingin ako kay Hilda. Nakahawak lang siya sa papel niya at mukhang hindi nagsasagot. Ano ba 'yan?
"Hilda..." Mahina kong sabi. Magkalapit lang kami kaya naman nilingon niya ako.
I'm stunned. Wala pala siyang suot na salamin ngayon. Mas bagay 'yon sa kaniya. Pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang labi niya. Ang manipis at mapula niyang labi... It's slightly open that makes it look inviting.
What the heck, Gino?!
May sugat rin pala siya sa labi niya. Siguro ay dahil sa kanina. Kanina, manghang-mangha ako lalo na kay Zaya. Para kasing dinaig niya pa kami nila Gray kung banatan niya yung babae. Partida pa! Isa lang na kamay yung gamit!
Pero ngayon... Hindi na pala astig sakin ang nangyari. Mga babae sila pero gano'n yung nakita namin. Tsaka marami yung kalaban nila. Tatlo lang sila Zaya.
I didn't expect to see it. I was so surprised. Nang dumating sila Hilda at Zaya dito ay tahimik sila. Mas lalo na itong si Hilda. Nakita ko pa ngang binu-bully siya nila Betty.
Hindi kaya gangster din 'tong si Hilda?
Yung kay Gray, kahit hindi naman siya ang mauna, kaya kong ipahiram yung kotse ko sa kaniya. Yung sakin, ginagawa ko 'to para kay Ailee my loves. Paano kapag nalaman niyang pinagpupustahan namin sila? Hindi kaya bugbugin kami ni Gray?
"GINO DEVARA!" Bigla akong napatingin sa harap ng marinig ko ang pangalan ko. "I will deduct ten points! You're cheating!"
Anong nakain nito ni Mrs. Aguila? Wala pa nga 'kong sagot, tapos cheating?
"Me?" Sabay turo ko pa sa sarili ko.
"Ay hindi. Si Hilda. Si Hilda yung nangongopya sayo. Malamang ikaw! Kanina ka pa nakatingin kay Ms. Servantes!" Lumingon ulit ako kay Hilda at napansin ko ang pamumula niya.
She's cute.
Lalo na ngayon na wala siyang salamin. Sagabal lang naman kasi yon sa mukha niya.
"Ares, bantayan mo muna ang klase. May thirty minutes kaming meeting. Dito ka sa unahan, bantayan mo si Gino." Sabi ni Ma'am Aguila at saka lumabas. Sumunod naman si Ares sa sinabi ng ibon.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Genç KurguSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
