Cause we dont need permission to dance~
At dahil bday ko ngayon medyo mabait ako at nag ud agad despite sa matinding school works. Vote kayo. Pa bday niyo sa kin hahahah char. Halos mag2k words ang ud kaya wag magreklamo haha___________________________________________
Chapter 80:
Permission
Gray’s POVIsang araw ang lumipas ng paghihintay ko pero ni anino ni Zaya ay hindi ko nakita. Sobrang nag-aalala na ako sa kaniya. Gustong-gusto ko siyang puntahan pero hindi ko alam kung may mukha ba akong ihaharap sa kaniya, sa daddy niya at kay Carter. Wala sana siya sa hospital ngayon kung hindi dahil sa akin.
Ang gago ko talaga, tangina! Buong buhay ko yata ay wala na akong nagawang tama. Lahat na lang yata ay mali.
I want to see her. I miss her.
“Gray?” Dinig kong sabi ni Mama. Ni hindi ko napansin na nakapasok pala siya sa magulo kong kwarto dahil sa kakaisip. “Gray…”
“Yes, ‘ma?”
“Hindi ka daw nag-dinner. Ayos ka lang ba? Ilang araw ka nang gan’yan.” Mahihimigan ang lungkot at pag-aalala sa kaniya. Naramdaman ko na hindi ako nag-iisa.
Noon pa man ay inggit na ako kay Ares dahil sa ibinibigay sa kaniyang atensiyon ni Papa. Nakalimutan ko na nariyan pala si Mama para sa akin.
“Opo, ayos lang.”
“I don’t believe you, Gray. Sige na, sabihin mo na ang problema.”
“I hurt her, Ma. I love her so much but I hurt her.” Panimula ko.
Sobrang pinagsisisihan ko ang nangyari kay Zaya. Alam ko ang pinagdaanan niya nitong mga nakaraan. Alam kong hindi pa siya nakakabawi sa lahat ng nangyari noon pero mas dinagdagan ko lang ngayon.
“There’s hurting in love and life. Hindi maiiwasan na magkasakitaan kayo.”
“No, Ma. She’s in the hospital now because of me. Lagpas isang linggo na pero hindi pa rin siya bumabalik. Galit pa siya sa akin dahil sa mga ginawa ko sa kaniya. I don’t know what to do anymore. Gusto ko siyang puntahan pero hindi ko magawa. Natatakot ako. Baka itaboy niya ako. Baka hindi niya ako gustong makita.”
“There’s lot of ‘what ifs’, yes. Wala kang patutunguhan kung puro tanong ka lang sa sarili mo. Na baka ganito, na baka ganiyan. Always remember that love is all about taking risk. Kung hindi ka kikilos, walang mangyayari.” Bahagya lang akong tumango. Dapat akong kumilos. Pero paano? Anong dapat kong gawin? “Ask her for forgiveness, Gray. Explain yourself. Walang ibang gagawa niyang kun’di ikaw. Mahal ka no’n kaya makikinig naman siguro siya sayo.”
Bigla akong tinamaan sa sinabi ni Mama.
“Ma, hindi niya ako mahal.” Mapait kong sabi. The last time I check, I’m still helping her to move on. “Hindi ako mahal no’n…”
“Paano mo nalaman? Nagsabi ba siya sayo na hindi ka niya mahal?”
“Well… She’s still not over her ex. Hindi ako mahal no’n.” Pag-uulit ko pero mas lalo yata akong nasasaktan. Truth hurts talaga. Damn it!
“Try, baby. Try to pursue her. If she rejects you, then don’t stop pursuing her. Subukan mo lang. Makakalimutan niya rin ang ex niya.” Bahagya akong napangiti. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Novela JuvenilSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...