CHAPTER 51

1.1K 106 18
                                    

Chapter 51:
Stay Away

Gino’s POV

Dalawang araw na ang lumipas nang patawarin ni Hilda ang gagong Arwin na ‘yon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala dahil sa naging desisyon niya.

“Bakit mo ba kasi siya pinatawad agad? Isang sorry lang tapos ayos na? Binugbog ko muna sana.” Sabi ko pa sa kaniya habang naglalakad-lakad sa school ground.

“Pabayaan mo na. Hindi naman niya siguro sinasadya. Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo.” Napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi niya.

“Huwag ka na ngang maging mabait. Nakakainis.” Mabuti pa si Zaya at nagagawa pang magsungit. Mukhang masungit naman talaga si Zaya. Gangster ‘yon eh. Pero si Hilda? Ewan ko na lang. Masyado siyang mabait. “T’saka wag kang masyadong magpapaniwala sa mga lalaking ‘yon. Mga mukhang mabait pero mga gago naman.”

Tss… Para namang hindi ako naging gago dati. Pero dati ‘yon. Change for the better na ako.

“Bakit ba ang hilig mong magmura, Gino? Hindi magandang pakinggan.” Napanguso ako.

“Gano’n na talaga ako. Ayaw mo ba na nagmumura ako?”

“Oo naman. Hindi nga kasi magandang pakinggan. Masama ‘yon, di ba? Dapat hindi mo ginagawa.” Wala sa sariling napangiti ako. Ginulo ko ang buhok niya.

“Okay. Hindi na ako magmumura.”

“Talaga?”

“Hindi na.” Ngumiti lang ito sa akin at saka kami nagpatuloy sa paglalakad.

Mas mabuti na ganito si Hilda. Iyong nakikipag-kwentuhan at iyong nakangiti. Kapag kasi tahimik siya ay parang hindi ako mapakali. I feel like checking her out. Baka kasi mamaya ay problema na naman siya at hindi na naman nagsasalita. O hindi naman kaya ay galit na siya pero nananahimik lang.

Maya-maya ay napahinto kami. And this time, pangalan ko naman ang narinig ko.

Kitang-kita ko ang papalapit na si Ailee na may dalang libro sa kamay niya. Ngumiti ito pagkalapit sa amin.

“Hi, Gino! Hi, Hilda!” Bati ni Ailee sa amin. “Nakapasa ka, Gino?”

“Oo, Ailee. Sabi ko sayo eh. Makakapasa ako.” Sabi ko pa na may halong pagmamalaki.

“Dapat sinabi mo sakin agad. Narinig ko lang doon sa kabilang section.” Napangisi ako. Sikat talaga ako sa school. Kahit score ko ay kumalat na. “Yung pangako ko sayo, natatandaan mo pa?”

“Oo naman.”

Yeah, a date with Ailee came true.

“Later night? Ayos lang ba? May gagawin ka ba?”

“Wala naman akong gagawin. Ikaw lang naman ang busy sa ating dalawa. Susunduin kita mamaya sa bahay niyo. Ipagpapaalam kita.” Nakangiting tumango si Ailee.

“Okay. Mauuna na muna ako sa inyong dalawa. See you later, Gino.” Ani Ailee at lumapit sa akin para bigyan ako ng mabilis na halik sa pisngi. Pagkatapos no’n ay bigla siyang tumakbo. Nabigla ako sa ginawa niya. Napatingin naman ako kay Hilda na napakurap pa nang lumingon ako sa kaniya.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon