CHAPTER 60

1.2K 90 17
                                        

Chapter 60:
Flying Kiss

Zaya’s POV

Ang dating Zaya… Wala na ang babaeng ‘yon.

Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis kay Gray. Nandito pa rin ba talaga ang dating Zaya?

Nang mawala ang mommy ay nagbago na ang lahat sakin. I got traumatized. I got this traumatic stress disorder. I got this bad attitude. Pinaghalo-halo na. Mukhang ginawa talaga para sakin.

I’m trying to change, yes. Totoo ang sinabi ni Gray. Kahit ipilit ko na wala na ang dating ako, nararamdaman ko rin na gustong bumalik nito. I want to be happy again. But how can I do that?

I’m scarred. Wounds tend to heal as time goes by. Time heals but that doesn’t guarantee that the pain will all go away. It will always left pain. It will always left scars.

Sa tingin ko ay hindi na babalik ang dating ako.

Wala na ‘yon. Wala na siya.

It’s the day. Nagsimula na ang ilang laban ng sports noong mga nakaraang araw pa at ito ang huling araw. Laban na ng basketball at gaganapin ito sa dati kong school.

Malaki ang tiyansa na makasalubong ko sila Mitch at ang mga dati kong kaaway. What to do? Ang umiwas. It’s not my school anymore and I don’t want to ruin my school’s reputation.

Sumabay na kami kay Carter papunta sa school. Pagdating ay marami na ang tao. The school is big and I’m sure that it can accommodate the students in here and from my school.

Last event na ang basketball game kaya halos lahat ay nasa gymnasium na. May naka-reserve na doon na upuan namin. Hindi ko alam kung paano pero sa tingin ko ay si Carter ang dahilan. Influential kasi ang kapatid kong ‘yon.

“Kinakabahan na ako, Zaya. Sana manalo sila Ares.” Mukha ngang kinakabahan si Runa. At totoo, kasama nga si Ares sa team. Noong una ay hindi ko inasahan kaya nagulat rin ako. Akala ko kasi ay libro lang ang alam niya.

“Wag kang kabahan, hindi naman ikaw ang maglalaro.” Sabi ko. Totoo naman kasi eh.

“Sobrang excited ko kasi tapos akala niya, excited akong makita yung boyfriend mo kaysa sa game.” Aniya at naging malungkot. Seriously? Pinagseselosan talaga ni Ares ang boyfriend ko.

“Ewan ko sa inyong dalawa. Manood na lang tayo.”

Maya-maya ay biglang naghiyawan ang lahat. Naglakad na papasok ang mga members ng dalawang team. Napangiti ako nang makita si Paris pero mas naging malaki ang ngiti ko nang makita sila Gray at Gino na parang may spotlight na nakatutok sa kanila.

“Tignan mo oh, feel na feel ng dalawa. Parang nagmo-model sila.” Sabi ni Runa habang natatawa.

“Tignan mo si Ares. Parang gustong suntukin ang dalawa.” Sabi ko naman at natatawa na rin. Naaasar na siguro si Ares dahil sa inaasta ng dalawang kasama niya.

Maya-maya ay dumako ang tingin sa akin ni Gray at kinawayan ako. Napatingin naman sa akin ang dalawang katabi ko na si Runa at Hilda.

“Don’t think too much. May I remind you that Paris is here.” Inirapan ko na lang ang dalawa.

Sinabi ang mga rules at kung ano-ano pa. Hindi ko na iyon pinakinggan dahil hindi ko rin naman masyadong maintindihan. Puro tili at sigawan ang namumutawi sa buong gymnasium. Then a buzzer sound was heard. Mas lalo lang lumakas ang ingay.

Inihagis ang bola at mabilis na nag-react si Paris para makuha iyon. Naunahan niya si Gray. Paris started to run while dribbling the ball. Nagagawa niyang iwasan ang mga kalaban.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon