CHAPTER 98

616 31 11
                                        

Chapter 98:
Envious

Gray’s POV

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng isang gabi sa kulungan. Pakiramdam ko ay napagod ako sa pagsuntok kay Paris. Titig na titig ako sa kamay ko na may bakas pa ng dugo.

Sinabi kong hindi ako nagsisisi sa ginawa ko sa gagong Paris na ‘yon dahil kulang na kulang pa ang ginawa ko sa kaniya kaysa sa ginawa niya at ng ama niya kila Zaya.

Minahal siya ng sobra ni Zaya at pinagkatiwalaan pa. Kung ako siguro si Paris, tuwang-tuwa na ako no’n. Sapat na ‘yon para sa akin. Minahal siya ni Zaya pero niloko at ginamit niya lang ito. Sana… kung ako lang talaga si Paris… pagmamahal at pagtitiwala rin ang ibabalik ko kay Zaya.

Pero hindi eh. Ako si Gray. Si Gray na wala nang nagawang tama. Si Gray na walang kwentang anak. Si Gray na kahihiyan sa pamilya. At si Gray na hindi matanggap ng sarili niyang ama.

Noon pa lang ay si Ares naman na talaga ang gusto niya. Matalino kasi, mabait at masunuring anak. Mas lalo pang napunta ang atensiyon ng magulang ko kay Ares nang magkasakit siya at huminto ng isang taon sa pag-aaaral kaya naging pareho na kami ng year level. Naitsapuwera ako. Sobrang inggit ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko na alagang-alaga sila kay Ares. Ni ayaw yatang padapuan ng lamok o langgam.

That sight was an eyesore. Sometimes I just want to lock myself in my room just not to see them and how they bond as a happy family. I asked myself that very night. Am I really their son or just my big brother Ares? My mind is clouded with such thoughts. I sometimes think that I’m an adopted child.

Pero ganoon talaga siguro. Paborito nila si Ares. Mas lalo na ng Papa namin. Minsan iniisip ko na lang na ako naman ang paborito ni Mama.

Hindi ko lang talaga akalain na ganito ako kaayaw ng sarili kong ama. Suntok agad ang bungad sa akin pagpasok niya sa kwartong ‘yon. Ni hindi man lang ako kinamusta o tinanong kung ayos lang ba ako, kumain na ako o ano. Sobra sobra ang gulat ko. Pagkasuntok pa lang niya sa akin ay tila may nagbabara na sa lalamunan ko. Parang gusto ko na lang humagulgol sa iyak na parang isang batang paslit na pinagalitan at pinalo.

Nagpanggap lang ako na malakas ako. Nagpanggap ako na parang wala lang. Isang bagay kung saan ako eksperto… ang pagpapanggap.

Bad boy daw? Eh nakita nga akong mahina ni Zaya. Umiyak ako at nakita niya ‘yon. Baka naisip niya na bakla at sobrang hina ko. Siya nga na isang babae ay nakayanan ang lahat ng pagsubok at problema sa buhay. Pero ako? Isang lalaki na umiyak dahil sa suntok na galing sa sariling ama.

I just can’t believe that he can actually do that to me. Hindi pa siya kuntento at gusto pa akong suntukin ulit. Mas lalong hindi ako makapaniwala nang iharang ni Zaya ang sarili niya para sa akin.

My mom is right. I’m not a vocal person. All these time, it was all pretending. I pretend that I’m strong and that no one can drag me down. Pagpapanggap at kaduwagan. Iyan ang isang Gray. Ni hindi ko masabi ang nararamdaman ko. Na nasasaktan ako kapag nakikita kong masaya ang pamilya ko kahit wala ako. Hindi ko siguro masabi at maipagsigawan dahil natatakot ako na baka ma-disappoint ko na naman ang ama ko. Sa kaniya kasi… dapat lahat ay tama. Anong magagawa ko? Pinanganak yata akong mali. Isa akong pagkakamali!

Now I realized that I really admire Zaya. Not just because I have special feelings for her, but I admire her for she was strong. How to be like Zaya? How to be her? How can she still manage to stand despite of the hurricanes that came to her life?

Gusto kong ipakita na malakas ako. Pero nang malaman ko na sinampahan ako ng kaso ay parang gusto kong tumakbo sa Mama ko at umiyak na lang habang yakap ko siya. Nanghihina ako sa narinig ko mula sa isang lawyer na dumating.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon