CHAPTER 57

1.1K 88 6
                                        

Chapter 57:
Need to Confirm


Zaya’s POV

Lunes na at ito ang unang beses na kinabahan ako sa pagpasok. Paano ba naman kasi? Nakita nila Gino at nang iba na magkasama kami ni Gray sa fitting room. At anong inisip nila?

“Sabi ko na nga ba at nagka-develop-an na kayong dalawa eh.” Si Gino na may malaking ngisi habang nakatingin sa amin ni Gray.

“I’m so happy for the both of you! Bagay naman kasi kayong dalawa.” Gatong naman ni Runa.

“Yeah, you look good together.” Isa pa itong si Ares. Bakit ngayon niya pa naisipang magsalita? Hindi naman siya mahilig magsalita.

Hindi ko alam kung nanadya ba talaga ang mga ito o ano. At ito namang katabi ko na walang iba kun’di ang kasama ko sa fitting room noong isang araw, ay mukhang natutuwa pa sa sinasabi ng mga ito.

“Guys, how many times do I have to explain it to you? Una, may boyfriend na ako. Pangalawa, mali yung iniisip niyo sa amin ni Gray.” Halos masabunutan ko na ang sarili ko dahil sa frustration. Nagpaliwanag na rin naman ako sa kanila nang madatnan nila kami ni Gray na magkasama sa fitting room pero hindi naman sila naniniwala. “Hoy Gray, magsalita ka nga.” Sabi ko pa at siniko siya.

“May ginawa lang kaming iba ni Zaya. No need to worry, guys.” Oo nga at nagsalita siya pero mas lalong lang lumaki ang ngisi ni Gino at gano’n na rin ang iba.

“Anong ‘iba’ ‘yan?” Si Gino at tumawa pa.

“Wala nga kasi!” Nagsisimula nang uminit ang ulo. Bakit ba kasi ayaw nilang maniwala na walang nangyari doon sa loob?

“Oh, calmdown, Zaya. Ito na nga. Wala naman kaming ginawa. Marurumi lang talaga ang mga utak niyo.” Narinig ko ang paliwanag ni Gray pero inirapan ko siya at lumabas ng room at saka naglakad patungo sa cafeteria. Hindi pa man ako nakakalayo ay naririnig ko na ang yabag at boses ng papalapit na si Gray. Pagkalapit nito sa akin ay bigla niya akong inakbayan.

“Sorry na. Nakakatawa kasi yung mukha nila eh. Mga green minded pa.”

“Nakakainis ka.”

“Sorry na nga eh. Bili na lang tayo ng favorite mo. Gusto mo ‘yon?” Naiinis pa rin ako sa kaniya pero unti-unti ay tumango rin naman ako.

Walang dumating na lecturer sa amin. Busy siguro dahil sa sports fest na darating. Pang-umaga lang ang pasok namin dahil may practice ang mga estudyante na kasali sa iba’t ibang sports. Kasali rin sila Gray doon pero bukas pa raw ang practice nila kaya sisimulan na namin ang project mamayang hapon.

Pagpasok sa cafeteria ay agad na pumunta si Gray sa counter at ako naman ay humanap ng mauupuan. Hindi naman siya nagtagal at umupo sa harap ko na may dalawang chocolate frappe.

“Bakit dalawa?”

“Syempre. Sakin yung isa.”

Habang humihigop sa frappe ko ay naalala ko iyong nasa mall kami. Pakiramdam ko ay nagsinungaling sa akin si Gray nang tanungin ko kung anong problema. Masyadong mababaw kung pagtataguan niya lang ang kung sino mang babaeng tinutukoy niya. Ni wala nga akong narinig na tumawag sa pangalan niya. Mukha rin siyang balisa.

“What’s going on in that pretty little head of yours? I’m sorry, okay? Sorry na.” Humarap ako sa kaniya at mataman siyang tinignan. Nagtatanong naman itong tumingin sa akin.

“Nagsinungaling ka…”

“Nag-explain na ako sa kanila. Sinabi ko nag totoo na wala namang nangyari. Hindi na sila magtatanong.”

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon