CHAPTER 16

1.5K 107 18
                                    

Chapter 16:
Affected


Zaya's POV

Kahit masama pa rin ang pakiramdam ko, bumangon na ako at nagpaalam na aalis na.

"Zaya!" Bungad sa akin ng boses ni Runa paglabas ko sa clinic. Kapag ganitong masama ang pakiramdam ko at maingay, baka hindi ako magdalawang-isip na sapakin ang taong 'yon. Kahit si Runa pa. "Are you okay now? Bakit lumabas ka na agad?"

"I'm fine. Punta na lang tayo sa cafeteria." Umangkla siya sa braso ko. Nasa likod naman namin si Hilda.

"Ano ba 'yan, Hilda? Dito ka nga sa tabi ko. Kaya ka laging napagdidiskitahan nila Betty kasi lagi kang nag-iisa. Buti dumating si Gino." What? She got bullied again? And Gino? What's with them?

Maya-maya ay nakarating na kami sa cafeteria.

"Zaya, dito ka na lang. Kami na bibili. Ano gusto mo?"

"Chocolate frappé. Tatlo."

"Tatlo?! Baka ubuhin ka." Makahulugan at may pagbabanta kong tinignan si Hilda. Nakuha niya naman ito agad.

"Tara na. Bibili na tayo." Aya niya kay Runa.

My head aches badly. Pero mas mabuti na din 'to. Kasi kung nagpahatid pa ako sa kaniya, baka pagkamalan siya ni Daddy na boyfriend ko. Ano na lang ang iisipin niya? Lalo na dahil gabi na nang makauwi ako. Grabe ang galit ni Daddy sakin kagabi.

Natigil ako sa pag-iisip dahil sa mga umupo sa table namin. Bakit nandito na naman sila?

"It's our usual spot." Bigla na lang sabi ni Gray sakin. "Bakit nandito ka na? Ayos ka na ba?"

Kanina pa siya tanong ng tanong niyan. Is he... Worried about me? But that's impossible.

"Please, don't talk to me." Sabi ko na lang at ipinatong ang ulo ko sa lamesa.

"I'm sorry. It's my fault why you get sick."

"Zaya, ito na." Umayos ulit ako ng upo at kinuha na ang frappe ko.

"Frappe? Di ba may sakit ka?" Sabi ni Gino pero hindi ko ito sinagot. Tinatamad akong gumalaw at magsalita. Humigop na lang ako sa frappe ko.

"Tama na 'yan." Si Gray. Napatingin kami sa kaniya. "Gusto mo bang lumala yung sakit mo?" Nagpatuloy lang ako sa iniinom ko. Pero inagaw niya ito sa kamay ko kaya matalim ko siyang tinignan.

"Give it back."

"No." Tss. Sabi nang ayaw kong magsalita eh. Buti tatlo yung pinabili ko. No'ng kukunin ko naman yung isa ay inagaw niya ulit. Pati yung isa na wala pang bawas ay inagaw niya ulit.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon