CHAPTER 38

1.3K 91 7
                                        

Chapter 38:
Invite


Gray’s POV

It’s exam day. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Zaya.

Kung lumapit ba ako agad doon sa kaguluhan ay wala ba siya sa ospital ngayon? Naiintindihan ko na kung bakit parang ako ang sinisisi ni Carter. At kahit ang sarili ko… Sinisisi ko rin.

I should’ve helped her. Now I regret.

So please, Zaya. Bumalik ka na…

Sinabihan ko na si Ares na huwag niyang susubukang agawin si Zaya sakin. May kaunti na akong galit sa kaniya dahil siya na lang lagi ang nakikita ng papa naming. At baka hindi ako makapagpigil at mawasak ko ang mukha niya kapag lumapit pa siya kay Zaya. Pilit naman niyang ipinapamukha sakin na wala akong pag-asa.

Alam ko naman na may boyfriend na siya. Ayaw ko rin namang makasira ng relasyon pero gusto ko pa ring subukan.

Sa tingin ko ay titigil lang ako kapag sinabi niya at nanggaling mismo sa kaniya na wala akong pag-asa.

Na hindi niya ako mahal…

“Bro, nag-review ka ba?” Tanong ni Gino na nakapagpabalik sa akin huwisyo.

“Hindi.” Tipid kong sagot. Wala akong ginawa kun’di isipin kung ano na ang kalagayan niya. Hindi naman sinasabi ni Carter kung saang ospital naroon si Zaya.

“Wala ka pala eh! Ako nag-review!” Aniya pa na sobrang proud. Himala yata. Pero wala akong pakialam. All I think about Zaya. Lumapit naman sa amin si Jun.

“S’yempre magre-review ka talaga. May kapalit na date eh.” Tss. Kaya naman pala eh. Sabi ko na nga ba at hindi magkukusang mag-aral si Gino. Hindi niya alam na sinabi ko kay Ailee na mag-date sila kapag nakapasa si Gino.

May gusto naman kasi sila sa isa’t isa. Masyado lang focus si Ailee sa pag-aaral niya hindi katulad ni Gino.

“Jun, inspired lang ako, okay?” Napailing na lang si Gino.

“Basta may party na pagkatapos ng exam.” Tukoy ni Jun sa nalalapit na birthday ni Gino. He’s having a pool party.

“Excited na ako. Pupunta si Ailee.”

“Gino, baka yung mga ni-review mo mawala. Puro Ailee ang isagot mo.” Nasabi ko na lang. Lagi niyang bukambibig si Ailee.

“Hindi ah! Yung  score ko, dapat pang-Ailee. Kailangan kong makapasa.” I sighed. Iba talaga ang tama ni Ailee kay Gino.

“Baka mamaya si Ailee lang ang in-invite mo? Makalimutan mo kaming imbitahin.” Ani Jun.

“Kayo ang nangunguna. Sagot niyo drinks eh.”

“Walang hiya ‘yan. Imbitado pala tayo para sa drinks niya.” Si Jun na hindi makapaniwala. “Mag-party ka mag-isa mo!”

“Joke lang naman eh.”

“By the way, did you invite Hilda. Friends na kayo, di ba? What about Zaya?”

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon