CHAPTER 15

1.6K 111 24
                                    

Chapter 15:
Sick


Zaya's POV

"Saglit, Zaya." Dinig kong boses niya sa likod ko at naramdaman ko na lang ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko kaya napahinto ako. "I'm sorry if I made you upset. I didn't know you were that sensitive." Blanko ang mukha ko siyang hinarap.

Yes, I'm really sensitive. Anything that could trigger me will make me suffer again. That's why I don't like getting too attached to the people around me.

"Let go."

"I'm sorry." I can feel the sincerity in his voice. Parang sa isang salitang iyon ay nawala ang kaninang inis ko. Binitawan niya na rin ang kamay ko.

"Ate Zaya, forgive Kuya Gray already. Please?" Sabi ng batang si Angel. Tipid kong nginitian ang bata tsaka bumaling kay Gray.

"Fine... Whatever." Nakita ko naman ang pagngiti niya sa akin. Ayan na naman siya kaya umiwas ako ng tingin. "Hanapin na natin ang Mommy niya."

"Yes, boss!" Tsk. Minsan ang yabang. Minsan parang walang pakialam sa mundo. At minsan... Abnormal.

"Ano pala hitsura ng mommy mo? Anong suot niya?" Tanong ko kay Angel para naman mas mabilis namin itong mahanap. Hindi niya din daw matandaan ang suot ng mama niya. Hindi niya rin alam ang number. Bakit ba kasi pinapabayaan itong si Angel?

"My mommy is pretty." Naghintay pa kami ng ibang sagot sa kaniya pero iyon pang talaga ang sinabi niya.

"There's a lot of pretty girls here." Sinamaan ko ng tingin ang isang 'to. Ang hinahanap namin ay yung mommy... at hindi yung mga pretty! Ano bang iniisip ng isang 'to? "Why are you looking like that to me? Did I do something wrong again?"

"Please, don't talk to me."

"Nag-aaway po ulit kayo? Alam ko na... Kuya Gray, dapat nandito ka sa gitna namin ni Ate Zaya. Tapos holding hands tayo." Ano?! Five years old ba talaga 'to?

Nagkatinginan kaming dalawa ni Gray. Para bang naghihintayan kami sa gagawin ng isa't isa.

"Please, po... Please..." Hindi pa rin kami gumalaw na dalawa kaya nabigla na lang ako nang kunin ni Angel ang kamay naming dalawa ni Gray at pinaghawak 'yon. "Wag niyo po 'yang aalisin, huh?" Pagkatapos ay pumunta siya sa kaliwa ni Gray at doon naman humawak.

Unbelievable!

Habang naghahanap kami sa magulang ni Angel ay panay ang kwentuhan nilang dalawa. Ang daldal ni Angel. Dagdagan pa ng kung ano-anong sinasabi ni Gray sa kaniya. Habang ako ay tahimik lang na naglalakad.

Madilim na ang paligid pero salamat sa mga lamppost at iba pang ilaw kaya maliwanag pa din ang buong park. Marami pa nga rin ang tao ngayon. Medyo lumalamig na din ang simoy ng hangin. Dumikit ang balat ko sa balat niya nang humangin ng malakas. Nangunot naman ang noo. Parang mas nilalamig pa siya sakin. Goosebumps are really visible in his skin. Maya-maya lang rin ay bumahing siya. Sabi ko na nga ba at naulanan siya kanina. Kanina pa kami dito kaya natuyo na 'yon sa damit niya.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon